CIO Richard Ligad, tumanggi na sumailalim siya sa lie detector test

CIO Richard Ligad, tumanggi na sumailalim siya sa lie detector test

- Diretsahang sinabi ni PIO Richard Ligad na hindi na siya sasailalim sa lie detector test matapos siyang hamunin ni Sen. Raffy Tulfo sa programa nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Sa livestream ng Facebook page na We R1 at Your Service , sinabi ni PIO Ligad na lumabas na rin naman daw ang resulta ng DNA test ng NBI

- Aniya, wala naman na siyang dapat pang patunayan at malinis daw ang kanyang konsensiya

- Naikunsulta niya na rin sa kanyang mga kaibigang abogado ang tungkol sa usapin at may karapatan naman umano siyang tumanggi

Ayon kay PIO Richard Ligad, wala naman na siyang dapat patunayan pa kaya hindi na umano siya sasailalim sa lie detector test na iminungkahi ni Sen. Raffy Tulfo. Sa livestream ng Facebook page na We R1 at Your Service , sinabi ni PIO Ligad na lumabas na rin naman daw ang resulta ng DNA test ng NBI.

Read also

Richard Gomez, naging milyonaryo sa edad na 20 dahil sa pagiging masinop sa pera

CIO Richard Ligad, tumanggi na sumailalim siya sa lie detector test
CIO Richard Ligad, tumanggi na sumailalim siya sa lie detector test (Radyo Bandera Philippines)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Aniya, dahil sa nangyari ay durog na durog siya sa court of public opinion. Ikinunsulta niya sa mga kaibigan niyang abogado ang kanyang naging pagtanggi at wala namang epekto sa kaso kahit ano pa ang magiging resulta ng kanyang polygraph test kung sakali.

Si Jovelyn Galleno ay ang 22-anyos na nagtatrabaho sa isang mall sa Palawan. Nawala siya noong ika-5 ng Agosto kamakailan lang. Ayon sa kanyang kapatid, sinabi ng kanyang employer na 6:30 ng hapon ay nag-out na ito sa kanyang trabaho. Nag-chat pa umano ito sa kanyang kapatid ngunit hindi na ito nakauwi.

Matatandaang sa pakikipag-usap ni Leobert kay Senator Raffy Tulfo, naibahagi nito ang aniya ay ginawa sa kanya nang sumuko siya dahil sa pananaksak niya sa pinsang si Jovert Valdestamon. Pinuntahan daw siya ng mga tao na hindi niya kilala at tinanong siya kung may abogado na daw ba siya. Isang pulis umano ang nagsabi sa kanya kung gusto niya ng pera at sinabihan daw siya na makipagtulungan sa kanila. Kasunod umano nito ay sinaktan na siya ng mga taong naka-sibilyan habang nakaharap ang pulis na kanyang pinangalanan.

Read also

Ogie Diaz, napabungingis sa production number ni Toni Gonzaga sa ALLTV

Sumailalim na sa polygraph o lie detector test ang tinuturong salarin sa pagkawala ni Jovelyn Galleno na si Leobert Dasmariñas. Pinakita ng NBI ang ginawang paghahanda sa polygraph test. Matatandaang mismong si Leobert ang humiling ng naturang test para mapatunayan na totoo ang kanyang sinasabi hinggil sa umano'y pang-to-torture sa kanya. Nauna na ring sinabi ni Senator Raffy Tulfo na magsasagawa sila ng independent polygraph test.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate