Pamilya Galleno, pinagdiwang ang kaarawan ni Jovelyn Galleno
- Pinagdiwang ng Pamilyang Galleno ang kaarawan ng dalagang si Jovelyn Galleno
- Kasama ang kanilang mga kaibigan ay ginunita nila ang ika 23 na kaarawan sana ng dalaga
- Marami naman ang nagpaabot ng kanilang pagbati at suporta para sa pamilya Galleno sa unit-unti nilang pagbangon
- Matatandaang nauna nang sinabi ng pamilya na tanggap na nila ang naging kinalabasan ng isinagawang imbestigasyon sa pagkawala ni Jovelyn
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Hindi man nila kasama si Jovelyn Galleno, pinagdiwang ng Pamilya Galleno at ng mga kaibigan nila ang ika-23 kaarawan ng dalaga. Marami naman ang nagpaabot ng kanilang pagbati at suporta para sa pamilya Galleno sa unit-unti nilang pagbangon.
Matatandaang sa nilabas na pahayag ng pamilya ni Jovelyn, nakiusap sila sa publiko na tanggapin na lamang na wala na ang dalaga dahil kahit sila ay tinanggap na rin ang resulta ng imbestigasyon.
May mga kahit papaano ay natuwa dahil nakakangiti na ang mga naiwang mahal sa buhay ng dalaga.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Si Jovelyn Galleno ay ang 22-anyos na nagtatrabaho sa isang mall sa Palawan. Nawala siya noong ika-5 ng Agosto kamakailan lang. Ayon sa kanyang kapatid, sinabi ng kanyang employer na 6:30 ng hapon ay nag-out na ito sa kanyang trabaho. Nag-chat pa umano ito sa kanyang kapatid ngunit hindi na ito nakauwi.
Matatandaang maging si Raffy Tulfo ay nakiusap na rin sa publiko na igalang ang desisyon ng pamilya Galleno sa sinapit ng kaso ni Jovelyn. Ito ay matapos na lumabas ang resulta ng lie detector test na isinagawa sa dalawa umanong suspek sa kaso. Nagsalita rin ang kapatid ni Jovelyn ukol dito at sinabing sila mismo ay kumbinsido na sa kinakalabasang ng mga proseso sa paglutas ng nasabing kaso. May mga netizens kasi na patuloy ang pagpapahayag ng pagkadismaya at sinabing kailangan pa ring tutukan maging ni Tulfo ang kasong ito.
Nagbigay ng pahayag si Raffy Tulfo ukol sa pagtulong ng kanyang programang RTIA sa kaso ni Jovelyn. Ito ay matapos na lumabas ang resulta ng lie detector test na isinagawa sa dalawang suspek umano sa pagkawala ni Jovelyn. Aniya, dahil bumagsak si Leobert Dasmariñas na dating naglalahad ng detalye sa kaso, paninindigan umano ni Tulfo ang nabitawan niyang salita ukol dito. Nagpahayag na rin ang pamilya Galleno na ayon sa kanila'y tanggap na nila ang resulta ng isinasagawang proseso upang mabigyang hustisya ang pagkamatay ni Jovelyn.
Source: KAMI.com.gh