Leobert Dasmariñas, nakalaya na matapos piyansahan ni Cong. Edward Hagedorn
- Sa video na binahagi ng Raffy Tulfo in Action, naibahagi ni Senator Raffy Tulfo na nakalaya pansamantala si Leobert Dasmariñas
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
- Ito ay matapos umano siyang piyansahan ni Cong. Edward Hagedorn at nakumpirma umano ito ni Sen. Tulfo nang makausap niya ang congressman
- Nais umano niyang maging ligtas si Leobert pati na rin ang pamilya nito kaya siya tumulong sa pagpipiyansa
- Agad na kinontak ni Leobert ang reporter ng RTIA matapos niyang makalaya para humingi ng tulong para sa proteksiyon niya at ng pamilya niya
Pansamantalang nakalaya si Leobert Dasmariñas matapos siyang piyansahan ni Cong. Edward Hagedorn. Kinumpirma ni Senator Raffy Tulfo na si Cong. Hagerdorn nga ang nagpiyansa dahil nais umano niyang maging ligtas si Leobert pati na rin ang pamilya nito.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Agad naman umano itong nakipag-ugnayan sa reporter ng Raffy Tulfo in Action matapos nitong makalabas sa piitan. Aniya, nais niyang humingi ng tulong kay Sen. Tulfo dahil sa kanya lang umano nagtitiwala si Dasmariñas.
Ang 22-anyos na si Jovelyn Galleno ay isang working student na nagtatrabaho sa isang mall sa Palawan. Gumulantang sa mga tao ang kanyang pagkawala noong August 5, 2022. Ayon sa pahayag ng kanyang pamilya at maging ng kanyang manager, 6:30 p.m. ay nakapag-out na siya sa kanyang trabaho at nakapag-chat pa ito sa kanyang kapatid ngunit hindi na ito nakauwi.
Iginiit ng pinsang buo ni Jovelyn na hindi niya ginalaw ang kanyang pinsan ngunit naging kasabwat siya sa pagdukot sa dalaga. Ikinuwento niya kung paano nila inabangan si Jovelyn nang bumaba umano ito sa sinakyang multicab. Idinitalye niya ang umano'y ginawa ng kasamahan niya sa kanyang pinsan matapos nila itong dalhin sa lugar kung saan ito pinagsamantalahan. Matatandaang si Leobert Dasmariñas ang nagturo sa PNP kung saang lugar nila inabandona ang bangkay ni Jovelyn.
Nang sumunod na araw ay umamin ang pinsang buo ni Jovelyn kaugnay sa panghahalay sa dalaga. Matatandaang sa kanyang naunang sinabi, lookout lamang umano siya at hindi niya ginalaw ang kanyang pinsan. Gayunpaman sa isang bagong panayam na inilabas ng Bandera News TV Philippines, nag-iba ito ng pahayag. Aniya, pagkatapos halayin ng pinsan si Jovert Valdestamon ay siya ang sumunod ngunit aniya ay hindi na gumagalaw ang dalaga.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh