NBI Palawan, nagsagawa na ng sariling imbestigasyon sa pagkawala ni Jovelyn Galleno

NBI Palawan, nagsagawa na ng sariling imbestigasyon sa pagkawala ni Jovelyn Galleno

- Nagsagawa na rin ng kanilang imbestigasyon ang NBI Palawan kaugnay sa misteryosong pagkawala ni Jovelyn Galleno noong August 5, 2022

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Sa panayam ng Super Radyo DYSP 909Khz Palawan, sinabi ni special investigator III Cedric Caabay ng NBI Palawan na may parallel investigation na ang NBI na isinasagawa

- Matatandaang hiningi ni Senator Raffy Tulfo ang kanilang assistance tungkol sa imbestigasyon matapos ang ilang linggo nang imbestigasyon ng PNP

- Kabilang din umano sa kanilang ginagawang imbestigasyon ay ang pagpapa DNA test sa natagpuang kalansay na sinasabing kay Jovelyn

Nakapanayam ng Super Radyo DYSP 909Khz Palawan si special investigator III Cedric Caabay ng NBI Palawan. Nagsagawa na rin ng kanilang imbestigasyon ang NBI Palawan kaugnay sa misteryosong pagkawala ni Jovelyn Galleno noong August 5, 2022.

Read also

Mga katrabaho ni Jovert Valdestamon, nanindigang kasama nila ito noong August 5

Jovelyn Galleno
1st article Entertainment News Entertainment News Entertainment News Entertainment News (Radyo Bandera Philippines)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos ang paghingi ng tulong ng kapatid ni Jovelyn sa NBI, humiling din ng assistance si Senator Raffy Tulfo sa naturang kaso. Kabilang din umano sa kanilang ginagawang imbestigasyon ay ang pagpapa DNA test sa natagpuang kalansay na sinasabing kay Jovelyn.

Base sa isang post ng Radyo Bandera Philippines, may isang business establishment na matatagpuan sa Brgy. Tagburos ang nagbigay ng karagdagang CCTV footage na magpapatunay na nakasakay sa multicab ang dalaga.

Nauna nang naiulat ng Palawan Star na taliwas sa naunang impormasyon na Sedan ang sinakyan ni Jovelyn, multicab umano ang sinakyan nito base na rin sa isang CCTV footage.

Ang 22-anyos na si Jovelyn Galleno ay isang working student na nagtatrabaho sa isang mall sa Palawan. Gumulantang sa mga tao ang kanyang pagkawala noong August 5, 2022. Ayon sa pahayag ng kanyang pamilya at maging ng kanyang manager, 6:30 p.m. ay nakapag-out na siya sa kanyang trabaho at nakapag-chat pa ito sa kanyang kapatid ngunit hindi na ito nakauwi.

Read also

Pulis na professor ni Jovelyn Galleno, tumangging makausap ng RTIA

Iginiit ng pinsang buo ni Jovelyn na hindi niya ginalaw ang kanyang pinsan ngunit naging kasabwat siya sa pagdukot sa dalaga. Ikinuwento niya kung paano nila inabangan si Jovelyn nang bumaba umano ito sa sinakyang multicab. Idinitalye niya ang umano'y ginawa ng kasamahan niya sa kanyang pinsan matapos nila itong dalhin sa lugar kung saan ito pinagsamantalahan. Matatandaang si Leobert Dasmariñas ang nagturo sa PNP kung saang lugar nila inabandona ang bangkay ni Jovelyn.

Nang sumunod na araw ay umamin ang pinsang buo ni Jovelyn kaugnay sa panghahalay sa dalaga. Matatandaang sa kanyang naunang sinabi, lookout lamang umano siya at hindi niya ginalaw ang kanyang pinsan. Gayunpaman sa isang bagong panayam na inilabas ng Bandera News TV Philippines, nag-iba ito ng pahayag. Aniya, pagkatapos halayin ng pinsan si Jovert Valdestamon ay siya ang sumunod ngunit aniya ay hindi na gumagalaw ang dalaga.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate