74-anyos na Pinay sa New York, umano'y sinapak sa 'di malamang dahilan

74-anyos na Pinay sa New York, umano'y sinapak sa 'di malamang dahilan

- Isa na namang Pinay sa New York ang nabiktima umano ng unprovoked attack

- Sa video, makikitang naglalakad lamang ang 74-anyos na Pinay nang bigla siyang sapakin ng babae

- Ang suspek, nakatakas at naglakad papalayo na animo'y parang walang nangyari

- Matatandaang makailang beses nang napabalita na pawang mga Asyano ang nagiging biktima ng mga ganitong klaseng pag-atake kasama na ang mga kababayan nating Pilipino

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa na namang kababayan nating Pilipina ang nabiktima ng umano'y laganap na 'unprovoked attack' sa Amerika.

74-anyos na Pinay sa New York, umano'y sinapak sa 'di malamang dahilan
Philippine Consulate General in New York (Wikimedia Commons)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na isang 74-anyos na Pinay ang bigla na lamang sinapak ng babaeng kapwa niya naglalakad sa Madison Avenue malapit sa East 52nd Street.

Sa video na ibinahagi ng GMA News, makikita kung paano biglaan na lamang sinapak ng babae ang walang kalaban-laban na Pinay sa hindi malamang dahilan.

Read also

87-anyos na lolang vendor at nakikitulog lang sa nakaparadang jeep, natulungan ng Eat Bulaga

Makikita rin sa nasabing video ang pagtakas ng salarin na animo'y wala siyang nagawang masama.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakahingi naman ng tulong sa pulisya ang Pinay para makilala ang salarin at maparusahan upang hindi na muling ulitin ang nagawang pananapak.

Kasama sa imbestigasyon kung isa umano ito sa laganap na 'hate crime' sa Amerika matapos ang paglaganap ng COVID-19 sa buong mundo na matatandaang nagmula umano sa China.

Samantala, matapos ang insidente, agad na naglabas ng pahayag ang Philippine Consulate General in New York. Tutulong umano sila sa kasong maaring isampa sa salarin. Pinaalalahanan din nila ang mga Kababayan natin sa New York na maging alerto at maingat dahil sa nangyari.

Samantala, matatandaang buong tapang na naglabas ng mga posters na may mabibigat na mensahe si Manny Pacquiao sa kanyang social media pages.

Read also

Luis Manzano, emosyonal na ibahagi ang aniya'y unang interaction ng anak sa kanila

Sa naunang ulat ng KAMI, sinabing ito ay patungkol sa nagaganap na "Asian attacks" sa Amerika gayundin sa Canada.

We have one color in our Blood! Stop discriminating. LOVE AND PEACE TO EVERYONE!! #StopAsianHate

Ito ang mensahe ni Manny na nakasulat sa wikang Filipino, English, Chinese at Korean.

Sa wikang Filipino, makikita pa ang salitang "duwag" sa poster.

Bagaman at tila isang paghamon ang mensahe ni Pacquiao, isa lamang itong panawagan na itigil na ang diskriminasyon partikular na sa mga Asyano sa ibang bansa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

iiq_pixel