Jonalyn Galleno, sinabing umamin sa kanya ang pinsan na hindi kay Jovelyn ang kalansay
- Hindi pa rin kumbinsido ang pamilya ni Jovelyn Galleno na sa kanya ang natagpuang kalansay
- Sa pakikipag-usap ni Jonalyn Galleno kay Senator Raffy Tulfo, sinabi nito na naguguluhan siya sa nagiging kilos ng kanilang pinsan na umamin tungkol sa krimen
- Ayon kay Jonalyn, dalawang beses niyang tinanong ang pinsan kung sa ate niya ang kalansay at ang sagot umano nito ay "hindi"
- Hinihintay pa rin ang magiging resulta ng sinagawang DNA testing upang matukoy kung si Jovelyn nga iyon
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Ayon kay Jonalyn Galleno, kapatid ni Jovelyn Galleno, hindi pa rin kumbinsido ang pamilya nila tungkol sa kalansay na natagpuan. Sa pakikipag-usap ni Jonalyn Galleno kay Senator Raffy Tulfo, sinabi nito na naguguluhan siya sa nagiging kilos ng kanilang pinsan na umamin tungkol sa krimen.
Ipinagtataka nila na kaya sumuko si Leobert Dasmariñas ay dahil sa pagkakasaksak niya sa kanyang pinsan. Matapos ang dalawang araw ay bigla umano itong umamin tungkol sa krimen. Tila umano tulala si Leobert at nakatingin sa pulis.
Ang 22-anyos na si Jovelyn Galleno ay isang working student na nagtatrabaho sa isang mall sa Palawan. Gumulantang sa mga tao ang kanyang pagkawala noong August 5, 2022. Ayon sa pahayag ng kanyang pamilya at maging ng kanyang manager, 6:30 p.m. ay nakapag-out na siya sa kanyang trabaho at nakapag-chat pa ito sa kanyang kapatid ngunit hindi na ito nakauwi.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Iginiit ng pinsang buo ni Jovelyn na hindi niya ginalaw ang kanyang pinsan ngunit naging kasabwat siya sa pagdukot sa dalaga. Ikinuwento niya kung paano nila inabangan si Jovelyn nang bumaba umano ito sa sinakyang multicab. Idinitalye niya ang umano'y ginawa ng kasamahan niya sa kanyang pinsan matapos nila itong dalhin sa lugar kung saan ito pinagsamantalahan. Matatandaang si Leobert Dasmariñas ang nagturo sa PNP kung saang lugar nila inabandona ang bangkay ni Jovelyn.
Nang sumunod na araw ay umamin ang pinsang buo ni Jovelyn kaugnay sa panghahalay sa dalaga. Matatandaang sa kanyang naunang sinabi, lookout lamang umano siya at hindi niya ginalaw ang kanyang pinsan. Gayunpaman sa isang bagong panayam na inilabas ng Bandera News TV Philippines, nag-iba ito ng pahayag. Aniya, pagkatapos halayin ng pinsan si Jovert Valdestamon ay siya ang sumunod ngunit aniya ay hindi na gumagalaw ang dalaga.
Source: KAMI.com.gh