Lolo, pumanaw na makalipas ang 16 na taon mula nang ipagawa ang sariling kabaong
- Namayapa na ang lolo na naisipang magpagawa na agad ng kabaong para sa kanya
- Nang ma-stroke, hindi nagdalawang isip ang matanda na magpagawa na ng sarili niyang hihimlayan pagdating ng kanyang oras
- Subalit nauna pa umanong mamayapa ang karpinterong gumagawa ng kabaong
- At nito lamang Hulyo 13 ng kasalukuyang taon, tuluyan nang namaalam ang lolo subalit hindi na nito nagamit ang sarili niyang kabaong
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Sumakabilang buhay na si Lolo Alejandro ng Sebaste, Antique. Siya ang lolo na lakas-loob na nagpagawa ng kanyang kabaong sakaling dumating na ang araw ng kanyang pagpanaw.
Nalaman ng KAMI na 75-anyos noon si Lolo Alejandro nang ma-stroke ito.
Sa kwento ng anak nitong si Medelyn Vego Marasigan, naparalisa ang kalahating katawan ng kanyang ama.
Ito ang tila naging hudyat kay Lolo Alejandro para magpagawa ng sarili niyang kabaong.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
At dahil sa nanumbalik naman ang lakas at sigla nito, siya mismo ang naging abala sa pagpapagawa ng kabaong.
Subalit sa kalahatian ang pagpapagawa nito, nauna pang pumanaw ang karpintero nito.
Nang matapos, nilagak muna ang kabaong sa kisame ng kanilang bahay.
At makalipas ang 16 na taon, pumanaw si Lolo Alejandro sa edad na 91 nito lamang Hulyo 13, 2022.
Ibinaba na ang kabaong na ipinagawa nito gayung dumating na ang takdang araw para ito ay magamit.
Subalit dahil sa katagalan, tumupok na ang kahoy na materyales sa kabaong kaya hindi rin niya ito nagamit.
Gayunpaman, sinubukan pa rin ng pamilya ni Lolo Alejandro na sundin ang iba pang habilin nito tulad ng pagpapahila sa kanyang mga labi sa kalabaw papunta sa kanyang libingan at pagpaaptugtog ng mga lumang awitin. Dahil sa nagkaproblema sa kalabaw, karosa ng kabayo na lang ang naghila dito.
Narito ang kabuuan ng kwento ni Lolo Alejandro mula sa Dapat Alam Mo!:
Kamakailan, nag-viral din ang isang lolo na sa kabila ng edad ay matiyaga pa ring naglalako ng mga kagamitan sa bahay.
Tila nangamba pa ang lolo sa ibinabayad sa kanyang Php1,000 dahil wala raw siyang panukli dito.
Ngunit nang sabihin ng customer na bigay na niya ang buong halaga sa lolo, mapapansing agad na naging emosyonal ang vendor na tila hindi makapaniwala sa biyayang natanggap.
Halos maluha ito sa saya nang dagdagan pa muli ng customer ang tulong na bigay niya sa masipag na lolo.
Taos-puso itong nagpasalamat sa mabait na customer at mapapansing tila naibsan ang pag-aalala niya sa maari lamang niyang kitain sa araw na iyon.
Samantala maging ang mga netizens ay naantig sa video kaya naman umabot na ito sa 1.9 million heart reaction.
Narito ang ilan pa sa kanilang naging komento:
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh