Service crew na umaalalay sa pagkain ng isang na-stroke, umantig sa puso ng marami

Service crew na umaalalay sa pagkain ng isang na-stroke, umantig sa puso ng marami

- Viral ang video ng isang service crew na inaalalayan ang isang lalake na na-stroke

- Ayon sa crew, hirap kumain ang lalaki na ipinakukuha na lamang sa kanyang bag ang pambayad ng kanyang pagkain

- Mula umano sa kanyang pamamalimos ang perang ipinambabayad sa kanyang pagkain sa fast food

- Bukod sa nakuhanan ng video na crew, nilinaw niyang kung sino man ang naka-duty ay tumutulong talaga sa lalaki sa tuwing kakain ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Umantig sa puso ng marami ang video kung saan makikitang inaalalayan ng service crew na si Jofel Cheng ang isang lalaking nakilala naman na si Tatay Richard.

Service crew na umaalalay sa pagkain ng isang na-stroke, umantig sa puso ng marami
Si Jofel habang inaalalayang kumain si Tatay Richard (Screengrab from Lj Sta. Maria)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na na-stroke umano si Richard at hirap itong kumain na mag-isa.

Kwento ni Jofel sa Philippine Star, namamalimos umano si Tatay Richard. At kapag may sapat nang pera, ibinibili ito ng pagkain sa naturang fast food.

Read also

Honor student, emosyonal sa kanyang graduation nang biglang sumulpot ang inang OFW

"Namamalimos din po si Sir Richard ng pagkain dito. Parang ipon po 'ata niya kasi po 'pag pinapakuha niya po 'yung bayad niya sa bag niya, laging barya na tag-bente lang po," pahayag ni Jofel.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Maging ang pambayad nito sa kanyang pagkain ay ipakukuha na lamang niya sa kanyang bag dahil sa hirap na siyang kumilos.

Bukod sa hindi na ito makagalaw, hirap na rin itong magsalita. Kaya naman, kinakailangan na talaga nito ng kakalinga at aalalay na hindi naman ipinagkait ng mababait na mga crew.

Paglilinaw naman ni Jofel, maging ang iba niyang kasamahan ay umaalalay din kay Tatay Richard kung sila ang naka-duty sa oras na naroon ito. Regular customer na raw nila si Richard.

Narito ang kabuuan ng video ni Lj Sta. Maria na ibinahagi rin ng Philippine Star:

Read also

Herlene Budol, naging daan para makita ang lolo na inakalang patay na ng kanyang pamilya

Kamakailan, umantig din sa puso ng netizens ang video kung saan sinurpresa rin ng mga service crew kasama ang kanilang manager ang customer nilang nagdiriwang pala ng kaarawan.

Nalaman na lamang nilang kaarawan pala nito nang iabot nito ang kanyang PWD card.

Makikita sa video na talagang naluha ang customer habang kinakantahan siya ng 'Happy Birthday' song ng ilang crew na may dala pang pancakes na may birthday candle at lobo.

Kwento pa ng uploader at branch head ng fast food na si Cristine Sumayang Bustillo, papunta pala ang customer sa ospital ng araw na iyon upang magpa-insulin.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica