Honor student, emosyonal sa kanyang graduation nang biglang sumulpot ang inang OFW
- Umantig sa puso ng marami ang graduation video ng isang estudyanteng nagulat nang biglang nakita ang ina na nasa likuran na niya
- Hindi na umano inaasahan ng anak na makadadalo pa ang inang OFW kahit pa anong pilit niya
- Lingid sa kanyang kaalaman, kasabwat ng kanyang mga kaklase ang kanilang teachers na siyang nagdala na sa backstage sa kanyang ina para sa surpresa
- Dahil sa emosyonal na tagpo, maging ang kanyang mga kaklase at teachers ay hindi rin napigilang maluha
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Maraming netizens ang naantig ang puso nang mapanood ang emosyonal na video ni Ella Degoma na sinurpresa ng kanyang inang OFW sa kanyang graduation day.
Kwento ni Ella sa KAMI, tila nawalan na siya ng pag-asa na makadalo pa ang ina sa kanyang espesyal na Araw ng Pagtatapos.
Kahit anong pilit niya umano, inakala niyang buo na ang desisyon ng ina na hindi na 'bumalik' muna ng bansa para sa kanyang Graduation.
Subalit, ang lahat ng ito ay para lang pala isupresa siya kung saan alam na halos ng lahat ng malalapit sa kanya nadarating ang isa sa mahalagang tao sa kanyang buhay, ang kanyang ina.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Narito ang kabuuan ng kwento ni Ella:
"So bale ang nangyare po 3 weeks before my graduation. My mama already told me na she can't go home kase po 'pag papasok ka ulit sa Hong Kong, kelangan mong mag-quarantine for one week with your own expense sa hotel na provided ng government doon.
So sabe ng mama ko 'di sya makakauwi kasi sobrang mahal ng mga hotels, sa kagustohan kong makauwi sya, I even offered na ako gagastos ng 3 days bill niya sa hotel. Pero she said 'di din daw papayag boss niya.
So tanggap ko na po talaga na di siya makakauwi. Pero ako lang po pala walang alam na uuwi siya. Alam na lahat ng pamilya ko even my teachers kase tinulungan siya ng kaibigan ko to pass her vaccination card and ID sa school para makakuha ng Pass and makpasoksa Convention center.
So on the day of my graduation, nauna na pala siyang nakarating sa convention center and tinago lang sya sa backstage ng teachers ko. While walking po sa ceremony kasama ko lang po papa ko and naiiyak ako kase nasa utak ko “Sana andito si mama”.
'Nung time na awarding of honors na, plan ko talaga isama kapatid ko sa stage para kaming tatlo ng papa ko aakyat at magsuot ng medal ko pero ayaw talaga ng kapatid ko sumama sa stage. Nung ako na paakyat sa stage, di ko talaga alam na nasa likod ko na pala si mama at kasabay ko na pala syang paakyat ng stage if you could see in my video, wala talaga akong idea at all kaya nung nakita ko sya sa stage, yun a sobrang shock ako and umiiyak ako sa sobrang tuwa. Even my classmates and teachers cried that day dahil sa moment namin hahaha yun po
My message naman to my mom, Ma thank you so much for everything, words aren’t enough of how much Im thankful to you. Your first born finally graduated and konti nalang masusuklian ko na lahat ng sakripisyo mo sa akin. Konti nalang you don’t need to work abroad na and malayo sa amin, ako na bahala sa inyo. I love youu so much!!!
Kamakailan, umani rin ng papuri sa social media ang nag-viral na delivery rider noong 2020 na ngayong taon ay nakapagtapos na ng pag-aaral.
Naging agaw-pansin sa social media ang kanyang larawan, dalawang taon na ang nakalilipas dahil nagagawa niyang isabay ang online class sa kanyang pagtatrabaho bilang delivery rider ng Grab.
At ngayon, hindi lamang siya nakapagtapos sa kolehiyo, may latin honors pa siya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh