Mayor sa Mexico, pinakasalan ang buwaya bilang tradisyon
- Isang alkalde sa Mexico ang nagpakasal umano sa isang buwaya
- Bahagi raw ito ng isang ritwal sa paghingi ng kasaganahan mula umano sa kalikasan
- Mapapansing binihisan pa ng pang-bride ang buwaya na bitbit ng alkalde sa seremonya
- Matatandaang kamakailan isang babae naman sa India ang nagawang pakasalan ang sarili at tila nainip nang hintayin pa ang kanyang Mr. Right
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Agaw-eksena sa social media kamakailan ang isang alkade sa bansang Mexico na hindi tao ang pinakasalan kundi isang buwaya.
Nalaman ng KAMI na ang alkaldeng si Victor Hugo Sosa ng isang maliit na bayan ng San Pedro Huamelula sa Oaxaca sa Mexico ay isang buwaya ang bride na bahagi ng isang ritwal.
Sinasabing ang pagpapakasal umano sa isang buwaya ay paghiling sa kalikasan ng kasaganaan para sa kanyang mga tao bilang pinuno ng kanilang lugar.
Sa maiksing video na ibinahagi ng South China Morning Post, makikitang binihisan pa talaga ang buwaya ng puting animo'y bistida at sinamahan pa ng mga bulaklak at palamuti na para talaga siyang isang bride.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Pinaniniwalaan umano ng mga indigenous communities sa Oaxaca na simbolo ng pagkakaisa ang naganap na pag-iisang dibdib ng kanilang alkalde. Isa umano ito sa kanilang mga sinaunang ritwal na ginaganap sa maliit ng komunidad ng Chontal at Huave.
Kamakailan, naging agaw-eksena rin sa social media ang isang babae sa India na nagawang pakasalan ang kanyang sarili. Ito ay dahil sa pagkainip umano niya na darating pa ang kanyang "Mr. Right."
Hunyo 11 ngayong taon talaga itinakda ang seremonya ng kasal ni Kshama. Subalit umurong na ang pari na magsagawa ng kasal maging ang templo kung saan sana ito gaganapin ay kinansela ang kanyang booking.
Sa kabila ng mga aberya, itinuloy pa rin ang seremonya dahilan upang masabi na si Kshama ang pinakunang 'sologamist' sa India.
Gayunpaman, suportado siya ng kanyang ina at mga kaibigan kahit 24-anyos pa lamang siya at marami pa sanang pagkakataon na maaring makilala na niya ang taong nakalaan para sa kanya.
Sa ginawa niyang ito, hiling din ni Kshama na maging inspirasyon sa mga taong tila nagdududa nang makakita pa ang taong nakatakdang makasama nila habang buhay.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh