Nora Aunor, personal nang natanggap ang parangal bilang isang National Artist

Nora Aunor, personal nang natanggap ang parangal bilang isang National Artist

- Natanggap na ni Nora Aunor ang kanyang parangal bilang isa sa mga Pambansang Alagad ng Sining

- Matatandaang ang mga anak niyang sina Matet at Ian De Leon ang tumanggap ng kanyang award sa harap mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte

- Kapansin-pansing hirap nang magsalit ang Superstar dala umano ng kanyang karamdaman

- Sinasabing pinaghandaan ito ni Aunor, subalit sa unang pagkakataon, hindi rin niya kinaya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Natanggap na ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor ang kanyang parangal bilang National Artist.

Nora Aunor, personal nang natanggap ang parangal bilang isang National Artist
Photo: Nora Aunor
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sa pagkakataong ito, siya na mismo ang tumanggap ng kanyang pangaral.

Matatandaang ang kanyang mga anak na sina Matet at Ian De Leon ang humarap kamakailan kay Pangulong Rodrigo Duterte upang tanggapin ang gantimapala ng kanilang ina.

Hirap man sa pagsasalita dahil umano sa karamdaman nito sa kanyang baga, sinikap pa rin niyang ipabatid ang mensahe hindi lamang sa kanyang mga fans, kundi sa taong naniniwala sa husay ni Nora.

Read also

Donnalyn Bartolome, nagpasaring tungkol sa "panghihimasok sa pamilya"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Kayo pong lahat ang dahilan kung bakit may awit sa aking puso, kayo po ang dahilan kung bakit may isang Nora Aunor," bahagi ng kanyang pahayag.

"May sakit naman si Nora Aunor. Hindi naman niya kaya. Pinaghandaan niya 'to, sabi nga ng mga anak niya nagpagupit pa raw ng buhok. Matagal na niyang pinaghandaan ang pinakamataas na antas ng parangal sa kahit sinong artista," ani ni Cristy sa isang episode niya sa kanyang YouTube channel.

SI Nora Cabaltera Villamayor o mas kilala bilang si Nora Aunor ay isang Filipina actress, recording artist, at film producer. Gumanap din siya sa ilang mga stage plays, television shows at mga concerts. Huli siyang napanood sa mga teleserye sa GMA 7.

Kamakailan, pinagtanggol ng sikat na kolumnista at showbiz reporter ng bansa na si Cristy Fermin si Nora at pinabulaanang ang sabi-sabi na naghihirap na ito.

Read also

Ivana Alawi, inaming makailang beses nang naloko umano ng mga naging BF niya

Aniya, maaring magkaiba ng pamamaraan sa paghawak ng pera lalo na kung ikukumpara ito kay Star for all Seasons, Vilma Santos-Recto, wala naman umanong katotohanang unti-unti na itong naghihirap.

"Kung sabagay, kung tinitigan mo nga namang mabuti 'yung kwento, wala kasi siyang masyadong trabaho ngayon. Tapos 'yung kwentong wala siyang naipon, totoo rin naman 'yun kasi hindi nga siya ganoon kagaling humawak ng pera pero hindi naman siya nagdarahop," ayon kay Cristy.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel