Cristy Fermin, ipinagtanggol si Nora Aunor sa balitang naghihirap na umano ito

Cristy Fermin, ipinagtanggol si Nora Aunor sa balitang naghihirap na umano ito

- Ipinagtanggol ni Cristy Fermin si Superstar Nora Aunor sa bali-balitang naghihirap na raw umano ito

- Ayon kay Cristy, bilang isang masugid na tagahanga ni Nora tanggap niyang malayo umano ang disiplina nito sa pera kumpara kay Star for All Seasons na si Vilma Santos

- Sinasabing naging maugong ang kwento dahil sa umano'y matumal na proyekto kay Nora Aunor

- Subalit hindi naman daw totoong naghihirap na talaga nang husto si 'Ate Guy' gayung nagawa pa rin daw nitong tumulong sa mga nangangailangan noong kasagsagan ng pandemya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

To the rescue si Cristy Fermin sa kanyang idolo na si Nora Aunor sa bali-balitang naghihirap na umano ito.

Nalaman ng KAMI na isa ang isyu na ito tungkol kay 'Ate Guy' sa mga napag-usapan sa YouTube channel nina Cristy, Romel Chika at Morly Alinio.

Read also

Pagbati ni Toni Fowler sa kaarawan ni Rob Moya, usap-usapan

Cristy Fermin, ipinagtanggol si Nora Aunor sa balitang naghihirap na umano ito
Cristy Fermin, ipinagtanggol si Nora Aunor sa balitang naghihirap na umano ito (Photo from Showbiz Now Na!)
Source: Facebook

Aminado na isang Noranian si Cristy na naikwento pa ang kanyang pagkabata sa kung paano niya noon sinuportahan ang 'Superstar'.

At bilang isang fan ni Nora, masasabing malayo umano ang disiplina nito sa pera kumpara kay Star fo all Seasons na si Vilma Santos.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Subalit, wala namang katotohanan na naghihirap na talaga ang Superstar.

"Si Ate Guy naman, ako bilang tagahanga ni Nora, tanggap ko naman eh, pagdating sa disiplina, malayo sila ni Ate Vi. Kaya lang nasasaktan ako, 'pag nakakabalita... Idol ko e
"Kung sabagay, kung tinitigan mo nga namang mabuti 'yung kwento, wala kasi siyang masyadong trabaho ngayon. Tapos 'yung kwentong wala siyang naipon, totoo rin naman 'yun kasi hindi nga siya ganoon kagaling humawak ng pera pero hindi naman siya nagdarahop,"

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Showbiz Now Na!:

Read also

Cristy Fermin, nagsalita ukol sa LGBT speculation sa mga male stars

Si Cristy Fermin is a veteran showbiz columnist at reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, ilang talk shows na rin ang kanyang pinagbidahan kung saan mahihinuha ang mga latest showbiz chika.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pagbibigay ng maiinit na showbiz balita sa kanyang radio program na Cristy Ferminute at YouTube channel Showbiz Now Na!

Kamakailan, naikwento pa ni Cristy sa isang episode nila ng Showbiz Now Na! kasama sina Romel Chika at Morly Alinio ang kung paano siya naging daan upang makapagbigay ng mensahe si Claudine Barretto sa yumaong dati nitong kasintahan na si Rico Yan noong panahon ng burol nito at hindi siya makalapit.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel