Pagbati ni Toni Fowler sa kaarawan ni Rob Moya, usap-usapan

Pagbati ni Toni Fowler sa kaarawan ni Rob Moya, usap-usapan

- Naging kontrobersiyal ang Facebook post ni Toni Fowler sa kanyang Facebook page kung saan binati niya si Rob Moya

- Tinawag niyang bestfriend si Rob na kilala bilang si Dadddy Rob na dati niyang naging karelasyon

- Matapos ang kanilang kontrobersiyal na paghihiwalay, umabot din ng ilang buwan bago sila nagkaayos

- Sa kasalukuyan ay malayang nakakapunta si Rob sa kanila at tinuturing niya umano ito na kanyang bestfriend

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Umani ng libo-libong reacts at komento ang pagbati ni Toni Fowler para sa kanyang ex na si Rob Moya para sa kaarawan nito. Bukod kasi sa tinawag niya ito na kanyang bestfriend, may pa-"I Love you" pa si Toni sa dating karelasyon.

Pagbati ni Toni Fowler sa kaarawan ni Rob Moya, usap-usapan
Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Facebook

Matatandaang hindi naging maganda ang paghihiwalay ng dalawa. Sa katunayan ay umabot pa sa programa ni Raffy Tulfo ang kanilang pag-uusap kung saan nais bawiin ni Toni ang sasakyan na na kay Rob noong naghiwalay sila.

Kinalaunan, naging malala ang kanilang pag-aaway nang magkaroon ng karelasyon si Rob. Nang magkahiwalay sila ay nagkaroon ng pagkakataong muling magkausap sina Rob at Toni. Kinalaunan ay nagkaayos din sila at nakakapunta at nakakasama na rin nila Toni si Rob sa kanilang mga vlogs.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa komento ng mga netizens sa naging pagbati ni TOni kay Rob:

Naol nagiging bestfriend yung ex pwede pala yun HAHAHAHA ako kasi sinusumpa ko paren hanggang ngayon eh
Wag puro pang babash d natin alam kung ano talaga ang totoo .. kaya respeto po sa post ni mommy oni
Madaming nega hahahahah... Mga toxic dito yung mga fan d maka move on. Realtalk lang! Kayo nalang kaya mag decide kung anong gawin nila sa buhay para happy na kayo

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay nina ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Kamakailan nga ay agad na nag-viral ang post ni Toni Fowler kung saan pinasalamatan niya si Tito Vince dahil palagi itong nasa tabi niya kahit hanggang magkaibigan lang umano sila.

Naging usap-usapan din ang pagtulong niya sa preparasyon para sa proposal ng kanyang dating karelasyon na si Rob Moya sa bago nitong girlfriend. Gayunpaman, nagkahiwalay din sila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel