OFW, pinakasalan ngunit iniwan ng mister makalipas lang ang dalawang buwan
- Ibinahagi ng isang OFW ang kwentong pag-ibig niya sa Bawal Judgmental ng Eat Bulaga
- Makalipas kasi ang dalawang buwan mula nang sila ay ikasal, hiniwalayan na siya nito
- Dumating pa umano sa puntong pinadalhan siya ng mensahe ng isa sa mga naging babae ng kanyang mister
- Sa ngayon, mas pinahahalagahan niya umano ang sarili at desidido talagang hindi na bigyan pa ng pagkakataon na magkabalikan sila ng kanyang asawa
Emosyonal na ibinahagi ni Anne sa Bawal Judgmental ang masaklap na sinapit sa kanyang pagpapakasal.
Nalaman ng KAMI na dalawang buwan lamang ang itinagal ng kanilang pagsasama ng kanyang mister.
Ito ay dahil sa nalaman niyang marami pala itong ibang babae at pakiramdam niya'y isa lamang umano siya sa mga napaglaruan nito.
Ang isa sa mga masasakit na pangyayari ay nang padalhan siya ng mensahe ng isa sa mga naging babae ng kanyang mister para lang kumpirmahin kung totoong siya ang asawa nito.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Nung time na 'yun, ayaw ko po talagang mag-entertain ng kahit anong mga messages. Kasi parang hindi ko kaya. Gusto lang niya i-confirm kung kasal daw ba kami nung lalake," kwento ni Anne.
Aminado siyang sa nangyari, hindi pa tuluyang naghihilom ang sugat na dulot nito at talagang desidido na hindi na umano tanggapin pa ang lalake sakaling bumalik pa ito sa kanya.
Narito ang kabuuan ng kwento ni Anne na kanyang ibinahagi sa Bawal Judgmental ng Eat Bulaga:
Ang Bawal Judgmental ay bahagi ng longest running noontime show sa bansa, ang Eat Bulaga. 1979 pa nang una itong maisa-ere sa RPN 9 kung saan orihinal na host nito ang TVJ o ang "Tito, Vic and Joey."
Mula taong 1995, GMA na ang naging tahanan ng Eat Bulaga hanggang sa kasalukuyan. Isa sa pinakaaabangang portion ng noontime show ay ang 'Bawal Judgmental' kung saan iba't ibang kwento ng kanilang mga panauhin ang naibabahagi at nagiging inspirasyon sa marami.
Kamakailan, naging panauhin nila ang ama ng Maguad siblings na walang-awang pinaslang ng sinasabing kapwa nito mga kabataan.
Bumuhos ang luha sa naturang panayam lalo na at hirap na makamit ang hustisya sa pagkamatay ng dalawa dahil sa mga suspek na wala pa sa hustong edad.
Source: KAMI.com.gh