Plastik sa kalsada na inakalang white lady, agaw-eksena online

Plastik sa kalsada na inakalang white lady, agaw-eksena online

- Viral ang mga larawan ng isang motorista na inakalang nakakita ng white lady

- Kung titingnan nga ang larawan, tila babaeng nakatayo at nakasuot ng puti ang kanyang nakita

- Ngunit nang kanya itong lapitan, plastik na puti lamang pala ito na isang babala sa kableng nakalaylay doon

- Ayon sa motorista, sana'y maayos na ang kable lalo na at marami na rin ang nasisindak ng naturang plastik

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Agaw-eksena online ang larawan ni Warren Labadan na nag-akalang nakakita siya ng white lady sa gitna ng kalsada.

Plastik sa kalsada na inakalang white lady, agaw-eksena online
Photo: Warren Labadan
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na kuha ito sa Davao City sa pag-aakala ni Warren na nakakikilabot na nilalang ang plastik sa gitna ng kalsada.

Doon napag-alaman nila na may sirang cable umano sa daan na nilagyan ng puting plastik upang makita rin ng mga dumaraan.

Read also

Senator Drilon, may payo sa mga kapwa senador; "Unang una, mag-aral po kayo"

Subalit, kahit nakikita ito, tila nagugulat at kinikilabutan ang mga dumaraan lalo na kung hindi pa nila nalalapitan ang puting plastik na ito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hiling naman ni Warren na maayos na ang naturang wire upang hindi na rin makapanakot ang plastik na pananda nito.

Narito ang mga larawan ni Warren na ibinahagi rin ng GMA News:

Samantala, isa rin ang Kapuso mo, Jessica Soho sa mga nagpapalabas ng kakaibang istorya tulad ng naibahagi ni Warren

Matatandaang ang programa ring ito ang nagbibigay daan na matulungan ang mga kababayan nating kapos-palad.

Isa na rito ang 10-anyos na batang nag-aararo para makatulong sa pamilya. Malaki ang nabago sa buhay ng bata na dinagsa ng tulong matapos nay mga naantig ang puso sa kwento ng bata.

Nakapiling na rin ito ang kanyang ama na hindi na umano siya papayagan pang magtrabaho muli. Labis ang pasasalmat ng pamilya ng bata sa KMJS na siyang naging daan para maisaayos nila ang kanilang buhay.

Isa rin sa mga kwento sa KMJS na labis na pinag-usapan ay ang baby switching na pinakasusubaybayan ng marami.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica