Mocha Uson, umalma sa pahayag ni Toni Gozaga kaugnay sa pagbabalik ni BBM sa Malacañang
- Sa isang TikTok video ay naghayag ng kanyang saloobin si Mocha Uson kaugnay sa kontrobersiyal na pahayag ni Toni Gonzaga
- Kaugnay ito sa kanyang sinabi na malapait nang magbalik si Bongbong Marcos sa kanyang tahanan
- Ang tinutukoy nitong tahanan umano ni BBM ay ang Malacañang at umani ito ng samu't-saring reaksiyon
- Nilinaw ni Mocha na hindi tahanan ng sinumang pangulo ang Malacañang at pag-aari umano ito ng taong-bayan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Agad na nag-viral ang isang TikTok video ni Mocha Uson kung saan inilabas niya ang kanyang opinyon kaugnay sa viral na pahayag ni Toni Gonzaga kamakailan sa political rally ng UniTeam sa Cebu. Kaugnay ito sa kanyang sinabi na malapait nang magbalik si Bongbong Marcos sa kanyang tahanan at ito umano ay sa Malacañang.
“Konting konting panahon nalang, babalik na si BBM sa kanyang tahanan: Ang Malacañang. Kasama niya ang sambayanang Pilipino na naniniwala sa kaniya," ito ang sinabi ni Toni kamakailan.
Ang tinutukoy nitong tahanan umano ni BBM ay ang Malacañang at umani ito ng samu't-saring reaksiyon. Nilinaw ni Mocha na hindi tahanan ng sinumang pangulo ang Malacañang at pag-aari umano ito ng taong-bayan.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Aniya, maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay sinasabing opisina lamang umano niya ang Malacañang. Kaya naman, sana umano ay matuto si Toni kay Pangulong Duterte.
“Si Pangulong Duterte nga po, ay sinasabi niya na ang Malakanyang ay kanya lamang opisina at hindi po niya ito tahanan. Ito ay pag-aari ng taumbayan.
Ang Malakanyang ay pag-aari ng bawat Pilipino. Ito ay opisina lamang ng public servant ng ating bayan. Sana po ma’am, matuto kayo sa mga sinasabi niyo sa sinasabi ni Pangulong Duterte.
Si Toni Gonzaga ay nakilala sa kanyang husay sa pagiging isng TV host at mang-aawit. Kapatid siya ng YouTube star na si Alex Gonzaga at ikinasal siya sa direktor na si Paul Soriano.
Matapos ang pagsara ng ABS-CBN, marami sa mga artista ang napilitang gumawa ng YouTube content para kahit papaano ay may pagkakakitaan na rin. Unti-unti ngayong nakikilala ng Toni Talks segment ni Toni kung saan nag-iinterview siya ng ilang mga sikat na mga celebrites kagaya na lamang kanyang kapatid na si Alex, ang mag-asawang Hayden Kho at Vicki Belo at kamakailan lang ay si Melai Cantiveros.
Source: KAMI.com.gh