Melai Cantiveros, nahirapang mapaniwala ang ama na natanggap siya noon sa PBB

Melai Cantiveros, nahirapang mapaniwala ang ama na natanggap siya noon sa PBB

- Ibinahagi ni Melai Cantiveros-Francisco ang kanyang pinagdaanan bago niya nakamit ang mga biyayang kanyang tinatamasa sa kasalukuyan

- Sa YouTube channel ni Toni Gonzaga kung saan napapanayam niya ang ilang mga personalidad, naikwento ni Melai ang kanyang buhay noon sa probinsiya

- Dahil sa kinalakihang disiplina mula sa mga magulang, maging si Toni ay napabilib sa ugali ni Melai

- Si Melai ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghaling big winner sa 'Pinoy Big Brother'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon kay Toni Gonzaga, ang panayam niya kay Melai Cantiveros ay maituturing niyang pinaka-entertaining para sa kanya. Ilang beses nang sinabi ni Toni na para sa kanya, si Melai ang pinaka big winner dahil hanggang ngayon ay nanatili itong humble.

Ani Toni, napapasaya ni Melai ang mga tao sa paligid niya dahil sa kanyang pagkakaroon ng positibong aura.

Read also

Judy Ann Santos, kinilig sa pagpaparanas ni Ryan Agoncillo ng prom sa kanya

Melai Cantiveros, nahirapang mapaniwala ang ama na natanggap siya noon sa PBB
Melai Cantiveros (@mrandmrsfrancisco)
Source: Instagram

Ibinahagi ni Mela na may kaya sila noong bata pa siya sa General Santos City. Mayroon silang tuna business dati at may bangka sila.

Gaunpaman, lumagpas sa boundary ang bangka kaya hinuli ang tauhan nila sa Indonesia at ikinulong. Ito na umano ang nagsimula ng kanilang paghihirap.

Sa loob ng dalawang taon ay ang mga magulang niya ang nagpakain sa mga pamilya ng nakulong nilang tauhan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ibinahagi din niya kung paano sila dinisiplina ng kanilang mga magulang. Itinuro sa kanila na kahit ano pang makita nila sa iba ay huwag silang mainggit.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Hindi din umano niya inasahan na mag-aartista siya at ang pangarap niya lang noon ay magkaroon ng titulo ang kanilang lupa.

Read also

Sam Pinto, ipinasilip ang bagong condo nila ni Anthony Semerad

Kaya naman nagpapasalamat si Melai na bukod sa pagkapanalo niya sa PBB, dito niya rin nakilala ang lalaking kanyang nakatuluyan.

Naniniwala umano siyang binigay sa kanya si Jason Francisco para lalo siyang mapalapit sa Panginoon.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Unang nakilala sa mundo ng showbiz si Melai nang hirangin siyang big winner ng Pinoy Big Brother. Dito niya rin nakilala ang kanyang mister sa tunay na buhay na si Jayson Francisco. Sila ay nabiyayaan ng dalawang anak.

Kamakailan, nag-viral ang pagbigay ni Melai ng sasakyan sa asawang si Jason. Ibinahagi ni Jason ang kanyang pasasalamat sa pamamagitan ng pag-post sa kanyang social media account.

Samantala, Itinuturing ni Melai na "best" birthday gift para sa kanya ang video greeting mula sa idolong si Kristine Hermosa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel