28-anyos na dating nakulong, 'di nawalan ng pag-asa at isa na ngayong pulis

28-anyos na dating nakulong, 'di nawalan ng pag-asa at isa na ngayong pulis

- Viral ang video ng isang pulis na matapang na ibinahagi ang kanyang nakaraan

- Sa kanyang TikTok video na mayroon nang milyong-milyong views, ibinahagi niya ang kanyang nakaraan

- Nakulong man, subalit napagbintangan lamang siya kaya hindi nawalan ng pag-asa na magpursige at maging isang pulis

- Bukod sa paglilingkod bilang pulis, naisipan pa niyang magtayo ng sarili niyang negosyo

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Marami ang bumilib sa kwento ni Patrolman Franz Angelo Dizon na aminadong nakulong subalit isa na ngayong ganap na pulis.

Nalaman ng KAMI na naging viral ang kanyang TikTok video kung saan naibahagi niya ang sinapit noong napagbintangan siya sa bagay na hindi naman niya umano ginawa.

28-anyos na dating nakulong, 'di nawalan ng pag-asa at isa na ngayong pulis
Patrolman Franz Angelo Dizon (Photo from Dapat Alam Mo!)
Source: Facebook

Napabalita pa ito noon dahil mismong ang noo'y si NCRPO Chief Guillermo Eleazar ang nanermon sa kanya.

Kwento niya sa GMA News, nakulong siya sa loob ng isang buwan. Dinanas niya ang buhay piitan kung saan dikit-dikit silang natutulog at minsa'y nakatayo pa.

Read also

Suspek sa pagpaslang sa Maguad siblings, nanindigan na biktima siya

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Subalit dahil sa kakulangan ng ebidensya, nakalaya naman agad si Franz.

Ngayon isa na siyang Patrolman sa Luneta sa Maynila at bukod dito, nagbukas din siya ng sarili niyang negosyo.

Aminado mang nawalan ng kumpiyansa sa sarili dahil sa sinapit sa kulungan, hindi naman siya nawalan ng pag-asa at nagsumikap kaya naman tinatamasa na niya ngayon ang animo'y gantimpala sa paglampas niya sa matitinding pagsubok sa buhay.

Narito ang kabuuan ng kanyang kwento mula sa Dapat Alam Mo! ng GMA News and public affairs:

Matatandaang noong mga nakaraang taon 2020 at 2021, maraming kwentong pulisya ang nagbigay takot sa publiko dahil sa hindi nagawang maganda ng ilan sa kanila.

Isa na rito ang kaso ni Jonel Nuezca na nagawang barilin umano ang mag-inang Sonia at Frank Gregorio. Subalit bago pa man niya mapagbayaran ang nagawa umanong pagkakasala, nasawi ito wala pang isang taon matapos ang malagim na pamamaslang.

Read also

Trina Candaza, umalma sa headline ng balita tungkol sa hiwalayan nila ni Carlo Aquino

Gayundin naman ang insidente ng pamamaril ni dating Police Master Sgt. Hensie Zinampan sa Quezon City na nakunan ng video.

Tanggal agad ito sa serbisyo lalo na at humarap ito sa kasong murder. Patunay lamang ito na hindi kinukunsinti ng PNP ang mga hindi magandang nagagawa ng kanilang kabaro.

Kaya naman ang kwento ni Patrolman Dizon ay isang inspirasyon na ang mga pulis, sa kabila ng mga nababalitang hindi magadang nagagawa dala ng posisyon nila sa lipunan ay handa pa rin na magbigay serbisyo at maproteksyunan ang buhay ng mamamayang Pilipino.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica