2013 post ni VP Leni, viral muli dahil sa makulit na komento nina Tricia at Aika
- Muling nag-viral ang post ni Vice President Leni Robredo na naibahagi niya noon pang 2013
- Ito ay dahil sa makukulit na komento ng mga anak na si Tricia at Aika
- Makikita sa post na ang bunsong kapatid nilang si Jillian lamang ang kasama ng kanilang ina
- Kaya naman sinasabi ng dalawang nakatatandang Robredo na hindi sila ang paborito
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Binalikan ng mga netizens ang 2013 post ni Vice President Leni Robredo kung saan kasama niya sa larawan ang bunsong anak na si Jillian.
Nalaman ng KAMI na muli itong nag-viral dahil sa makukulit na palitan ng dalawa pang mga anak ni VP Leni na sina Aika at Tricia.
May caption ang post ng "Coming home to this after a long day at work is bliss." Makikitang yakap-yakap agad ni VP Leni ang nakabungisngis niyang anak sa saya na kasama uli ang kanyang mama na si Jillian.
Unang nagkomento si Tricia at sinabing "Clearly, hindi tayo ang favorite child Aika Robredo" at talagang naka-tag pa ang kanyang ate.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sinundan naman ito ng komento ni Aika na tila isang dialogue nang dumating ang ina.
"Leni: How is my big baby?"
*Aika about to answer*
"Jillian: Okay lang nag-aaral..."
Dagdag pa sa makulit na paingay umano ni Tricia ay nang sabihing ayaw na rin daw silang kasama sa kwarto ng kanilang Mama.
Kaya naman biglang napakomento na rin si VP Leni at natatawang sinaway ang dalawang anak.
"Hahaha... Aika, Tricia tumigil na kayo," at nasundan pa ito ng ilang makukulit na komento.
Mapapansing sa bawat kampanya ng magkapatid na Aika at Tricia, pabiro nilang nasasabi sa pagpapakilala na "Ang hindi paboritong anak ni VP Leni," habang si Jillian naman noong nagkaroon ng pagtitipon ang mga Kakampink sa New York, "Ang paboritong anak ni Leni Robredo," naman ang nasabi.
Narito ang post na naibahagi rin ng Philippine Star:
Si Maria Leonor "Leni" Gerona Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.
Oktubre 7 noong nakaraang taon nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na eleksyon sa Mayo ngayong 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.
Bago pa ang pagtitipon sa Mindoro, ginanap naman ang maulang campaign rally ni VP Leni Robredo, running mate Senator Kiko at mga senatoriables ng 'Tropang Angat' sa Rizal. Sa kabila ng maghapong pag-ulan, dinagsa pa rin ito ng tinatayang 43,000 katao.
Dahil dito, labis namang nag-alala ang bise presidente sa kalusugan ng mga 'Kakampink' at bilang ina ng bayan, pinaalalahanan niyang maligo agad pagka-uwi at pabaon ang dasal niyang walang magkasakit sa mga nagtungo roon.
Source: KAMI.com.gh