Lani Misalucha, biktima ng basag-kotse habang nasa ilang show sa Amerika

Lani Misalucha, biktima ng basag-kotse habang nasa ilang show sa Amerika

- Nabiktima ng basag-kotse sa USA si Lani Misalucha kamakailan

- Nasa Amerika si Lani para sa ilang show doon kasama si Nonoy Zuñiga

- Pauwi na sina Lani at mga kasama nang maisipan nilang kumain sa isang resto at pagbalik nila basag na ang likuran ng kanyang sasakyan

- Bukod sa mga gown, ilang mga kagamitan din nila ang nawala

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nabiktima si 'Asia's Nigtingale' Lani Misalucha ng basag-kotse sa Amerika kamakailan.

Lani Misalucha, biktima ng basag-kotse habang nasa ilang show sa Amerika
Lani Misalucha, biktima ng basag-kotse habang nasa ilang show sa Amerika
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na naroon si Lani dahil sa ilang show niya kasama ang isa ring veteran singer sa Pilipinas na si Nonoy Zuñiga.

Sa post ng Amore Entertainment makikita ang sinapit ng likurang sasakyan ni Lani na basag.

Ayon pa sa post, anim na wardrobe kabilang na ang mga bonggang gown na gawa ni Oliver Tolentino para kay Lani ang nawala.

Read also

Ion Perez, nagkunwaring naaksidente para sa surpresang birthday party kay Vice Ganda

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maging ang ilan pang mga kagamitan na nasa likuran din ng sasakyan ay natangay.

Naganap ito nang pauwi na sina Lani at naisipan muna nilang kumain sa isang restaurant.

Laking gulat nila nang makitang basag na basag na ang salamin ng likod ng kanyang sasakyan kaya naman madali na umanong nakuha ang mga gowns at gamit ng singer.

"When they returned to the car they discovered the back window was smashed and the clothes gone. A few equipment items were stolen too."

Dahil dito, agad namang inapulahan ng designer ang mga isusuot ni Lani sa huling show niya na gaganapin sa Sabado, April 9.

Ipinakita rin ng Amore Management ang itsura ng mga gowns at wardrobe ni Lani na nawala.

Narito ang kabuuan ng post:

Read also

Jelai Andres, nahulicam na nagbabalot ng pagkain sa birthday party ni Buboy Villar

Si Lani Misalucha ang tinaguriang "Asia’s Nightingale," at isa sa mga kilalang mahuhusay na singer sa Pilipinas. Isa rin siya sa mga naging hurado sa 'The Clash' Singing contest ng Kapuso Network.

Naging usap-usapan si Lani matapos nitong dumulog sa programa ni Raffy Tulfo. Ito ay kaugnay umano sa kanyang booking agent na tinangay umano ang perang nagkakahalaga ng Php100,000 mula sa kanya.

Matapos ang pagdulog na ito kay Tulfo, nakapagbigay pa siya ng mabibigat na mensahe sa booking agent na hindi raw dapat na nagtatago sa kanya. Umugong din ang balita kay Lani na labis na nalulungkot sa pagkamatay ng apo nito.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel