Ion Perez, nagkunwaring naaksidente para sa surpresang birthday party kay Vice Ganda

Ion Perez, nagkunwaring naaksidente para sa surpresang birthday party kay Vice Ganda

- Naghanda ng surprise birthday party sina Ion Perez at pamilya ni Vice Ganda para sa Unkabogable Star

- Naisip ni Ion na magkunawaring maaksidente para lang mapauwi si Vice na wala noon sa kanilang bahay

- Kaya naman dali-daling napauwi talaga si Vice dahil alam ng komedyante na madalas nang maaksidente si Ion

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Present naman sa naturang party ang kanilang It's Showtime family

Isang BTS themed party ang inihanda ni Ion Perez para sa Unkabogable Star na si Vice Ganda.

Nalaman ng KAMI na naisipang magkunwari ni Ion na nadulas at naaksidente para lamang mapauwi agad si Vice na wala sa kanilang bahay sa mga oras na iyon.

Ion Perez, nagkunwaring naaksidente para sa surpresang birthday party kay Vice Ganda
Ion Perez, nagkunwaring naaksidente para sa surpresang birthday party kay Vice Ganda (Photo: Vice Ganda)
Source: Facebook

Kaya naman nang makauwi ang komedyante, imbis na agad na sumaya sa surpresa para sa kanyang kaarawan, na-stress umano ito sa pag-aakalang naaksidente nga ang kanyang fiance.

Read also

VP Leni sa isang restaurant matapos ang 2nd presidential debate, viral

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kwento ni Vice, tila lapitin daw talaga ng aksidente si Ion kaya naman hindi rin siya nagdalawang-isip na umuwi para tingnan ang kalagayan nito.

Sa surprise party, naroon din ang kanyang It's Showtime familya tulad nina Vhong Navarro, Amy Perez at Kim Chiu, Ryan Bang, Jugs Jugueta at Teddy Corpuz at Jackie Gonzaga.

Present din si Regine Velasquez habang nag-video call naman si Karla Estrada na hindi nakadalo sa party.

Naroon din ang pamilya ni Vice at iba pang malalapit niyang kaibigan.

Narito ang iba pang mga kaganapan na mapapanood sa kanyang YouTube channel na Vice Ganda:

Si Ion Perez ang partner ng 'Unkabogable Star' na si Vice Ganda. Kamakailan ay inanunsyo ng dalawa ang kanilang pag-iisang dibdib sa Las Vegas sa panahong naroon si Vice para sa series ng show niya sa Amerika.

Read also

Rufa Mae Quinto, trending matapos lumabas ang video ng pagkanta niya ng Firework

Isa rin si Vice Ganda sa mga nagdesisyong manatili sa Kapamilya Network sa kabila ng matinding dagok na patuloy nilang nararanasan mahigit isang taon na ang nakalipas.

Bukod sa pagiging batikang komedyante at TV host, pumalo na rin sa 6.19 million ang subscribers niya sa kanyang YouTube channel.

Kamakailan, ibinahagi ng dalawa na 2020 pa pala sila nang ma-engage ngunit hindi nila ito isinapubliko maging ang kanilang kasalan na noong Oktubre 2021 pa pala naganap.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel