Jelai Andres, nahulicam na nagbabalot ng pagkain sa birthday party ni Buboy Villar

Jelai Andres, nahulicam na nagbabalot ng pagkain sa birthday party ni Buboy Villar

- Marami ang naaliw sa bagong video na binahagi ni Jelai Andres kung saan dumalo siya sa birthday celebration ng kaibigan niyang si Buboy Villar

- Sa huling bahagi ng video ay makikita si Jelai na nagbabalot ng pagkain sa mga nakahaing handa ni Buboy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Ginamitan din ng background music na Bituing Walang Ningning ni Sharon Cuneta

- Bahagi ng awiting ito ang mga salitang "Balutin mo ako ng hiwaga ng iyong pagmamahal"

Bentang-benta sa mga netizens ang bahagi ng video ni Jelai Andres kung saan nakuhanan siyang nagbabalot ng pagkain sa birthday celebraton ng kaibigan niyang si Buboy Villar. Ginamitan din ng background music na Bituing Walang Ningning ni Sharon Cuneta.

Jelai Andres, nahulicam na nagbabalot ng pagkain sa birthday party ni Buboy Villar
Jelai Andres (@jelaiandresofficial)
Source: Instagram

Paliwanag ni Jelai, ilalagay niya lang ito sa ref upang hindi na siya magluluto kinabukasan. Aniya may pagkain na siya para sa susunod na araw. Dagdag pa niya, ganoon talaga dahil mag-isa lang siya sa buhay.

Read also

VP Leni sa mga 'fake news' : "Magsisinungaling may maisulat lang"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

Ang balot queen ng YT industry hahahaha ate Jelai lang sakalam kahit saang handaan lagi yang may take out.
Nakatuwa ka miss Jelai .. ur one of a kind bff.. ke bok buboy.. pagkatapos mong regaluhan ng iphone 13pro max.. doon ako ntawa sa pagbabalot mo ng ulam . ang simple mo tlaga kahit mataas na ang narating mo.
Masaya na naman ako miloves, gusto ko yung nag Sharon Cuneta ka dabest tlgaa.. c buboy nman panay ang toooott tawang tawa ako sana all birthday miloves! Ikaw na talaga ang Balot Queen!

Si Jelai Andres ay isang cover girl ng FHM na ngayon ay isa nang Kapuso actress at social media influencer. Si Jon naman na kilala din sa bansag na King Badger ay miyembro ng grupong Ex-Battalion. Unang sumikat sa social media sina Jelai at Jon dahil sa kanilang videos na nag-viral sa Facebook.

Sa kainitan ng pagputok ng balita tungkol sa muling paghihiwalay nila ni Jon, hindi napigilang ilabas nina Jelai at kapatid nito ang kanilang sama ng loob kay Jon. Matapos ang pag-trending ng tungkol sa isyu nila, naapektuhan ng husto si Jelai. Sa katunayan, ibinahagi ng kaibigan niya na pumayat na nga ito dahil hindi masyadong nakakakain.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel