Delivery rider, aminadong naiyak sa prank ng isang customer noong April Fools' Day

Delivery rider, aminadong naiyak sa prank ng isang customer noong April Fools' Day

- Viral ang post ng isang netizen na nagawang i-prank ang ilang delivery riders

- Bahagi umano ito ng April Fools' Day subalit napaiyak nito sa saya ang isa sa mga riders

- Nagpasalamat din ang delivery rider na hindi inaasahang magiging pabor sa kanya ang kakaibang prank

- Isa ang mga delivery riders sa itinuturing nating frontliners sa kasagsagan ng pandemya kaya naman nararapat na sila ay pagmalasakitan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Mabilis na nag-viral ang post ng isang netizen na nagawang i-prank ang ilang delvery riders.

Nalaman ng KAMI na bahagi ang prank na ito ng 'Apri Fools' Day' noong Biyernes, Abril 1 kung saan kanya-kanyang gimik ang mga tao sa panloloko o pagbibiro.

Delivery rider, aminadong naiyak sa prank ng isang customer noong April Fools' Day
Delivery rider, aminadong naiyak sa prank ng isang customer noong April Fools' Day (Photo: Wikimedia Commons)
Source: UGC

Sa tweet ng netizen na si Vberni Regalado, ipinakita niya ang naging conversation nila ng dalawang delivery rider na nabigyan niya ng hapunan na 'di inaasahan ng mga ito.

Read also

Chesca Garcia, hindi muna pinupursige ang pagkakaroon ng pang-apat na anak

"I PRANKED GRAB FOOD DRIVERS THIS RAINY APRIL FOOLS DAY. And it’s not what you think. So, I booked some food deliveries, paid for them, and asked the riders to not deliver it to my home — because it’s theirs to bring home to their families and have an amazing dinner tonight."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang isang rider, aminadong naluha sa saya at mayroon siyang pasalubong sa kanyang pamilya. Kaya naman labis-labis ang pasasalamat niya sa kabutihan ng puso ng customer.

Isa ang mga delivery riders sa mga maituturing nating frontliners sa kasagsagan ng COVID-19.

Sila ang buwis-buhay noon na kumukuha at nagdadala sa atin ng pagkain at iba pa nating pangangailangan kahit wala pa noong bakuna para sila ay proteksyunan.

Ang ilan pa nga sa kanila, nagagawa pang pagsabayin ang pag-aaral habang nagtatrabaho sa pag-asang makakapagtapos sila ng kolehiyo dahil sa kanilang sipag at determinasyon.

Read also

Taal volcano, Alert level 3 na; paglikas mula sa high-risk area, inirekomenda

Subalit sa kasamaang palad, nadadalas na rin ang panloloko ng iba nating mga kababayan sa mga delivery riders dahil sa mga fake orders.

Ang ilan, hindi rin nakakaligtas sa panganib sa kalsada ngunit nagagawa pa ring i-deliver ang order sa kanila. Tulad ng isang delivery rider na matapos maaksidente, dumiretso pa rin sa kanyang customer para ihatid ang pagkain nito. Dinagsa ng tulong ang matapat at dedikadong rider na ito.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica