Florist, ibinahagi ang larawan ng Php1 million money bouquet ng customer
- Viral ang post ng isang florist kung saan ipinakita niya ang paggawa ng money bouquet na binubuo ng Php1 million pesos
- Inakala ng florist na nagbibiro lamang ang customer na magreregalo sa birthday ng kanyang misis
- Ngunit agad na nag-down payment ang customer kaya naman talagang pinagtulungan nila ng kanyang staff ang pagbuo ng buoquet
- Natuwa naman ang customer at tiyak na matutuwa naman ang misis na pagbibigyan nito
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Agaw-eksena sa social media ang post ng florist na si Carl Manansala kung saan ibinahagi niya kung paano binuo ang money bouquet na may kabuuang halaga na Php1 million.
Nalaman ng KAMI na marami ang napa-sana all sa post na ito ni Carl lalo na at birthday gift daw ito ng kanyang customer sa misis nito.
Naikwento ni Carl na halos hindi siya makapaniwala sa laki ng halaga ng money bouquet na ipinagagawa ng customer ngunit agad daw itong nagbigay ng down payment.
1,000 na Php1,000 ang kanyang ginamit at pinagtulungan ng kanyang staff para mabuo sa tamang oras.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Labis na natuwa ang customer na nagpagawa at tiyak ding matutuwa ang pagbibigyan nito.
Narito ang kabuuan ng kanyang kwento na naibahagi din ng GMA News:
Kamakailan, ay naiulat din ng KAMI ang isang anak na OFW na pinadalhan din ng money bouquet ang kanyang ama na noo'y nagdiriwang ng ika-60 na kaarawan nito.
At dahil 60 na ito, ₱60,000 ang perang nasa bouquet na labis namang ikinatuwa at ipinagpasalamat ng ama sa anak.
Samantala, isang overseas Filipino worker na anak ang sumurpresa sa kanyang ina ng isang bonggang money bouquet.
Napa-sana all din ang mga netizens nang makita ang post ng Gifts4everyJUAN kung saan, isang bouquet ng pera na nagkakahalaga ng ₱400,000 na maayos na nakatupi upang maging disenyong bulaklak
Bukod sa limpak-limpak na salapi, ilang piraso ng malalaking tipak ng chocolates ang kasama ng bouquet.
Kwento pa ng Gifts4everyJUAN kung saan ipinagawa ang bouquet, isang taong pinag-ipunan daw ito ng anak na nais talagang masurpresa ang pinakamamahal na ina.
Kapansin-pansin talaga ang bouquet na mas mataas pa sa mga magde-deliver nito.
Source: KAMI.com.gh