79-anyos na lola, nagpa-tutor sa guro para maturuan ang mga apo
- Pumunta sa paaralan ang isang 79-anyos na lola upang magpaturo ng Math sa guro ng kanyang mga apo
- Dahil sa limitado at hindi pa rin lahat ay nakapapasok na sa paaralan, matiyagang tinuturuan na lamang ng lola ang kanyang mga apo
- Subalit dahil aminado ang lola na hindi rin niya maunawaan ang aralin, siya ang nakikipag-face to face classes sa guro
- Hinangaan ng netizens ang guro gayundin ang lola na naglalaan pareho ng oras para sa mag-aaral
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Viral ang post ng gurong si Rodney David Nicodemus kung saan makikitang tila may one on one face to face classes sila ng 79-anyos na lola na si Merlita Militar.
Nalaman ng KAMI na si Lola Merlita ay may apo na estudyante ni Teacher Rodney.
Ayon sa guro, ito raw ang ikalawang beses na nagpaturo sa kanya si Lola Merlita gayung hindi pa pinahihintulutan ang lahat ng bata na magbalik na sa kani-kanilang paaralan.
Kaya naman si Lola Merlita ang siyang tinuturuan ng guro para naman maipaliwanag niya ito sa 11-anyos niyang apo.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Aminado kasi ang matanda na hindi niya maunawaan ang aralin lalo na at hindi raw siya nakapagtapos ng pag-aaral. Siya lang din ang nag-iintindi sa kanyang mga apo at siya lang ang inaasahang magturo sa mga ito dahil nagtatrabaho naman ang mga magulang ng mga bata.
Dahil dito, umani ng papuri ang lola gayundin ang guro na naglalaan ng oras para lang maibahagi pa rin ang kaalaman sa mga bata kahit hindi sila mismo ang pumapasok sa paaralan.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Kahanga-hanga po kayo lola. Masuwerte po ang mga apo ninyo sa inyo"
"Saludo ako sayo sir at sa lola na rin na matiyagang nakinig at umintindi sa lesson para sa mga apo"
"Ang bait naman nung teacher talagang tinuruan yung lola. Sana po tularan kayo ng marami. Nakaka-inspire pong mag-aral dahil sa inyo"
"Naalala ko ang lola ko rin nagtuturo sa akin noon. Swerte po ng mga apo mo lola."
Sadyang nakakabilib ang determinasyon at pagtitiyaga ng mga guro lalo na ngayong panahon ng pandemya sa 'new normal' ng edukasyon.
Matatandaang noong nakaraang taon 2021, nag-viral din ang mga guro sa Zamboanga na sa unang araw ng klase ay inulan agad sila. Makikita ang hirap na kanilang sinusuong makapaghatid pa rin ng edukasyon sa gitna ng pandemya.
Gayundin ang mga guro na buwis-buhay na tumatawid sa rumaragasang ilog para lamang makapaghatid ng learning modules sa mga tahanan ng kani-kanilang mga estudyante.
Source: KAMI.com.gh