Guro sa Davao, buwis-buhay sa unang araw ng klase: "Ulan ka lang, teacher kami"

Guro sa Davao, buwis-buhay sa unang araw ng klase: "Ulan ka lang, teacher kami"

- Nag-viral ang post ng isang guro tungkol sa sinapit nila sa unang araw ng klase

- Dala ng pag-ulan, nabasa sila ng kanilang mga kasama patungo sa paaralan

- Mapapansin din na hindi sila nakawala sa putik na makikita sa kanilang mga uniporme

- At dahil sila ay nabasa, pati ang dala nilang mga gamit maging ang kanilang laptop ay nabasa dahil sa ulan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Agaw-eksena sa social media ang post ng guro na si Michelle Buquiran-Miguel kung saan makikita ang sinapit nila sa unang araw ng klase noong Setyembre 13.

Nalaman ng KAMI na matiyagang nagtungo pa rin si Michelle at kanyang tatlo pang mga kasama sa paaralan.

Base sa iba pang mga post ng guro, nagre-record sila ng mga instructional videos na kanilang magagamit sa pagtuturo.

Read also

Madam Inutz, TJ at Brenda Mage, napasabak sa unang task sa loob ng PBB house

Guro sa Davao, ipinakita ang unang araw ng kanilang klase: "Ulan ka lang, teacher kami"
Si Teacher Michelle habang maingat na pinupunasan ang nabasang laptop (Photo credit: MiChelle Buquiran-Miguel)
Source: Facebook

Sa naturang viral post, makikitang nabasa mula ulo hanggang paa ang mga guro na noo'y naka-uniporme pa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

At dahil sila ay nabasa, pati rin ang kanilang mga gamit ay hindi nakawala sa ulan. Kaya naman sa ilang mga larawan ni Teacher Michelle, makikitang pinupunasan niya ang kanyang laptop na nabasa rin.

"Ulan ka lang, teacher kami!" ang caption ng post ng guro na mayroon nang 32,000 comments at 26,000 shares.

Nito lamang Setyembre 13 nagbukas na ang klase sa taong panuruan 2021-2022 sa mga pampublikong paaralan.

Sa ngayon, ilang modalities tulad ng blended, online at modular learning ang patuloy na isinasagawa gayung hindi parin pinahihintulutang magkaroon ng face-to-face classes ang mga mag-aaral bilang pag-iingat sa COVID-19.

Kaugnay nito, ikinabahala ng Department of Education ang pagkakaroon umano ng mga group chat tulad ng 'online kopyahan' Kung saan nagbibigayan na ng sagot ang mga miyembro sa mga modules na umano'y naiwasto na ng kanilang guro. Bagaman at burado na ang nasabing group chat, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng NBI tungkol dito.

Nais lamang pong ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica