Toni Fowler, umalma sa netizen na nagsabing puro siya luho

Toni Fowler, umalma sa netizen na nagsabing puro siya luho

- Sa kanyang live stream video sa Facebook, hindi pinalampas ni Toni Fowler ang isang netizen na nagkomento

- Sinabi nito na puro luho lang sila Toni at nagbigay pa ito ng payo na dapat daw ay mag-invest sila dahil hindi umano laging malakas ang kita sa YouTube

- Sagot naman ni Toni, hindi siya dapat sabihan nang ganun dahil nag-iinvest naman siya at hindi naman alam ng ibang tao ang tungkol sa kanyang mga negosyo

- Payo naman ng kasama niyang si Vince, hindi dapat magpaliwanag si Toni sa mga ganoong tao dahil wala naman siyang dapat patunayan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Diretsahang sinagot ni Toni Fowler ang isang netizen na nagsabing puro siya luho. Nagpayo pa ito na dapat ay mag-invest si Toni dahil hindi palaging malakas ang kita sa YouTube.

Toni Fowler, umalma sa netizen na nagsabing puro siya luho
Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Sagot naman ni Toni, hindi siya dapat sabihan nang ganun dahil nag-iinvest naman siya at hindi naman alam ng ibang tao ang tungkol sa kanyang mga negosyo. Aniya, yung mga taong nanonood talaga ng kanyang mga vlog ay alam ang tungkol sa kanyang mga negosyo dahil naisasama niya ang mga ito sa kanyang vlog.

Read also

Pag-akyat ni Vice Ganda sa hagdanan sa labas ng studio, umani ng mga reaksiyon

Ani Toni kahit dumating ang panahon na yumaman siya nang sobra, maghahanap pa rin siya ng paraan na kumita ng pera. Hindi umano siya hihinto. Paliwanag pa niya pagbili lang ng ginto ang kanyang luho at alam niyang investment din iyon.

Wala din umano siyang mga signature na bags at damit. Hindi rin siya bumili ng mga sports car na aniya ay maituturing na luho.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay nina ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Kamakailan nga ay agad na nag-viral ang post ni Toni Fowler kung saan pinasalamatan niya si Tito Vince dahil palagi itong nasa tabi niya kahit hanggang magkaibigan lang umano sila.

Naging usap-usapan din ang pagtulong niya sa preparasyon para sa proposal ng kanyang dating karelasyon na si Rob Moya sa bago nitong girlfriend. Gayunpaman, nagkahiwalay din sila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel