Babaeng nagwala sa laundry shop, pina-Tulfo ng staff na kanyang nasigawan

Babaeng nagwala sa laundry shop, pina-Tulfo ng staff na kanyang nasigawan

- Umabot na sa programang Raffy Tulfo in Action ang tungkol sa viral na video ng isang babaeng nagwala kamakailan sa isang laundry shop

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Gayunpaman, hindi na ito nakipag-usap sa mga complainants at sa taga-RTIA habang naka-ere ang programa

- Nag-iwan din ito ng mensahe para sa mga netizens na nambabatikos sa kanya sa pamamagitan lang ng staff ng RTIA

-Desidido naman ang staff ng laundry shop na magsampa ng kaso dahil umano sa naranasan nila mula sa kanilang nirereklamo na si Kimberly

Desidido ang staff ng laundry shop na kasuhan ang babaeng nagngangalang Kimberly na nag-viral kamakailan sa isang video matapos nitong magwala. Ikinuwento ng mga staff ang umano'y nangyari noong February 13 kung kailan naganap ang panduduro at pagwawala ng naturang customer.

Babaeng nagwala sa laundry shop, pinatulfo ng staff ng kanyang nasigawan
Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Amy Perez, emosyonal na pinasalamatan si Ion Perez sa pagmamahal nito kay Vice Ganda

Ayon sa staff, regular customer na nila sa laundry shop ang babae kaya inalok pa umano siya ng isa sa mga staff na kumakain.

Hindi na nakipag-usap ang customer na inirereklamo ngunit nakausap umano siya ng staff ng Raffy Tulfo in Action. Sinabi umano nito na narinig niyang tila iniinsulto at pinagtatawanan siya dahil may kaya siya sa buhay.

Mariing pinabulaanan ito ng staff at sinabing may video silang pinapanood at iyon umano ang kanilang pinagtatawanan.

Nag-iwan din ng mensahe si Kimberly para sa kanyang mga bashers. Aniya, imbes na i-bash siya ay sana umano atupagin nilang maghanap ng trabaho, mag-aral at isipin kung paano gaganda ang buhay nila.

Ayon pa kay Atty. Sam, kahit gusto sana nilang mapagkasundo ang dalawang panig, hindi naman nakipag-usap ang inirereklamo. Sinigurado nilang magbibigay umano sila ng tulong pagdating sa pagsampa ng kaso laban kay Kimberly.

Ang programa ni Raffy Tulfo na Raffy Tulfo in Action ay nagsisilbing takbuhan ng mga taong walang malapitan lalo na kung sila ay naaapi at nagigipit. Maging ang mga taong walang kakayahang magbayad para sa abogado ay kanilang tinutulungan.

Read also

Ina ng Maguad siblings, ibinahagi ang nasabi ng suspek; "Di ba hindi naman ako makukulong"

Naglunsad din sila ng kanilang community pantry upang makapagbigay tulong sa mga hirap para sa pang-araw-araw na pagkain. Nakaikot ito sa pitong barangay sa Kamaynilaan.

Kamakailan, isang litrato ng matanda na naghahanapbuhay at namumuhay nang mag-isa

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate