Newlyweds, halos mabalot ng kalahating milyong piso sa kanilang money dance
- Viral ngayon ang larawan ng bagong kasal sa Ilocos Sur kung saan halos matabunan na sila ng perang isinabit sa kanilang prosperity dance
- Galing ito sa magulang ng dalawa na sinurpresa sila para umano sa paninimula nila ng buhay mag-asawa
- Bukod sa kalahating milyong piso mula sa mga magulang, umabot din sa Php300,000 ang mga naibigay naman sa kanila ng mga bisita
- Lahat ng halaga ay nasa bangko na nila bilang pundasyon umano ng kanilang bubuuing pamilya
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Agaw-eksena sa social media ang larawan ng newlyweds na sina Mark at Juliemae Quiton dahil sa kanilang bonggang prosperity dance.
Nalaman ng KAMI na umabot sa kalahating milyong piso o Php500,000 ang perang ikinabit sa kanila ng kanilang magulang.
Halos maging kumot na nila ang mga pera sa dami nito. Bukod sa nasabing halaga, umabot din sa Php300,000 naman ang perang naibigay sa kanila ng iba pa nilang mga bisita.
Laking pasasalamat ng bagong kasal sa biyayang ito na magsisilbing panimula nila sa pagbuo ng kanilang sariling pamilya. Agad din nilang inilagak na sa bangko ang nasabing halaga.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"Mamang and papang gave us 500k as their gift on our wedding para panimula namin. Nagsimula lang noon sa pashare share sa newsfeed about the prosperity dance and we never imagined na gagawin din nila un sa amin. We’re not expecting anything since sabi nila we came abroad and merong savings and syempre may mga gifts din ang guest, ninongs and ninangs about 300k. But when we did our second prosperity dance ayon gulat kami kase may nilabas silang ganito and because of their love sa amin," pahayag ng bride sa kanyang post.
Narito ang kabuuan ng post kasama ang video kung saan naibahagi rin ang kanilang kwento sa TV Patrol:
Kamakailan, agaw-eksena rin sa social media ang video ng isang pari na siyang nagkasal mismo sa kanya raw ex-girlfriend. Nakatutuwang inamin niya ito sa kasal na nilarawan niyang doon lamang siya pinagpawisan nang husto.
Kinagiliwan at hinangaan din ng marami ang isang kasalan na Php3,000 lang ang nagastos ng bride at groom sa kanilang wedding reception na ginanap sa Mang Inasal.
Gayundin ang isang bride na ayaw ng enggrandeng kasalan kaya naman niregaluhan na lamang siya ng kanyang groom ng 6000 sqm na lote.
Sa panahon ng pandemya, ilan lamang sila sa mga hindi nagpatinag sa virus at itinuloy pa rin ang kanilang pag-iisang dibdib. Siniguro lamang nila ang pagsunod sa safety protocols at tamang bilang ng mga panauhin.
Source: KAMI.com.gh