Buko vendor na nanghiram ng CP para makasali sa 'Pera Usog' ng LOL, nanalo ng kotse
- Nanalo ng kotse at cash prize ang isang masuwerteng buko vendor sa 'Pera Usog' ng Lunch out Loud
- Wala pa umanong sariling cellphone ang vendor na nanghiram pa sa kanyang kapitbahay para makasali sa nasabing contest
- Sidecar lang daw sana ang hiling ng vendor gayung pagod na pagod na siya sa pagtutulak ng kanyang kariton
- Maging ang ilang host ng noontime show ay naluha nang malaman ang kwento ng buko vendor at sinabing deserve daw nito ang manalo.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Napaiyak at napalupasay sa tuwa ang 55-anyos na buko vendor na si Tatay Winnefredo matapos nitong manalo ng kotse sa 'Pera Usog.'
Nalaman ng KAMI na wala umanong sariling cellphone si Tatay Winnefredo kaya namroblema pa siya noon kung paano makakasali sa nasabing paligsahan ng 'Lunch Out Loud.'
Buti na lamang at napahiram siya ng cellphone ng kanyang kapitbahay at napili nga siya na maging contestant ng 'Pera Usog.'
"Gusto ko po sanang magka-sidecar, pagod na pagod na akong magtulak ng kariton," naluluhang nasabi ni Tatay Winnefredo na siyang nagpaluha rin sa ilang host ng noontime show.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kaya naman nang malamang nanalo siya ng kotse at cash prize, halos hindi makapaniwala sa sobrang saya ang buko vendor dahil hindi lang sidecar ang nakamit niya kundi sariling kotse.
Narito ang kabuuan ng video mula sa Lunch Out Loud:
Isa lamang ang mga kababayan nating vendors ang labis na naapektuhan ng mga lockdown noon dahil sa pandemya. Hindi sila basta nakakalabas para makapagtinda, dahilan upang wala rin silang maibigay na panggastos sa kanilang pamilya. Dahil dito, ilan sa kanila ay naglabas ng saloobin sa sitwasyon gayung hindi raw sila sa COVID-19 mamamatay kundi sa gutom. Gayunpaman, dahil na rin sa pagkakaroon ng bakuna, unti-unti na ring nakakabangon ang mga kababayan nating vendors.
Ang ilan namang mga naglalako ay natulungan ng mga kababayan nating nagmalasakit. Tulad na lamang ng isang naglalako ng mga merienda na nabigyan ng puhunan ng vlogger na si The Hungry Syrian Wanderer. Ang vendor na noo'y magdiriwang na pala ng kaarawan ay naisipan pang ibahagi ang natanggap niyang biyaya at magpapakain sa mga suki ng kanyang paninda.
Source: KAMI.com.gh