Viral vendor na umalma sa 'no vaccine, no ride', nag-sorry na; "Wala kaming ginagawang masama"

Viral vendor na umalma sa 'no vaccine, no ride', nag-sorry na; "Wala kaming ginagawang masama"

- Nag-sorry na ang vendor na hindi napigilang maglabas ng saloobin niya sa naitalagang 'no vaccine, no ride' kamakailan

- Aminado siyang bugso lamang umano ng kanyang damdamin ang mga nasabi dala ng hirap na kanila umanong dinaranas ngayong pandemya

- Paliwanag niya, hindi umano siya nakapagpabakuna dahil sa kanyang kondisyon at ipinakita pa niya ang pruweba nito

- Sinisikap daw niyang maghanapbuhay sa araw-araw dahil siya lamang ang inaasahan ng pamilya kaya nang hindi basta makapasok sa palengke para mamili ng paninda, sumama raw talaga ang loob niya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Humingi ng pasensya ang vendor na si Gemma Parina dahil sa nag-viral na video niya kung saan hindi na niya napigilang ibulalas ang kanyang saloobin sa naipatupad kamakailan na 'no vaccine, no ride.'

Sa panayam ng Inquirer kay Gemma, umiiyak ito habang humihingi ng tawad sa kanyang mga nabitawang mabibigat na salita.

Read also

Anak ng komedyanteng si Dagul, ipina-Tulfo ng dating kinakasama nito

Viral vendor na umalma sa 'no vaccine, no ride', nag-sorry na; "Wala kaming ginagawang masama"
Gemma Parina (Photo from Radyo Inquirer)
Source: Facebook
Taos-puso po akong humihingi ng pasensya kung sinoman ang mga nakaupo na tinamaan sa mga sinabi ko. Humihingi po ako ng pasensya sa inyong lahat.
Lahat ng sinabi ko paong iyon ay bugso ng damdamin at galit ko dahil po sa pahirap ng 'no vaccine, no ride, no entry' kaya nga po nakapagsalita ako ng ganyan dahil sa hirap na dinanas ko

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nasabi niyang silang mahihirap ay lalo umanong nahirapan ngayon pandemic. Isa rin umano siya sa mga hindi nakatanggap ng ayuda mula sa Social Amelioration Program (SAP).

Masama sa kalooban ko kasi ako nagpakahirap magtinda hindi ako umasa sa SAP na iyan.

Nanawagan din siyang huwag i-discriminate ang mga tulad niyang walang vaccine.

Kasi para ho kaming mga kriminal na nagtatago

Nakiusap din siyang huwag na sanang pilitin pa umano ang mga ayaw na magpa-vaccine at bigyang respeto umano kanilang desisyon.

Read also

80-anyos na Lolo, kinasuhan dahil sa umano'y pagnanakaw ng mangga

Ipinaliwanag din niya kung bakit hindi siya makapagpabakuna at ito ay dahil sa kanyang kondisyon.

"May sakit po ako, hindi po ako pwedeng magpa-vaccine. Totoo po 'yung sinasabi ko. Hindi lang po ako nag-iimbento. Ito po 'yung katunayan na may sakit po ako," sabay pakita ng tila resulta ng isang medical examination na isinagawa sa kanya.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Nag-viral ang video ni Gemma kung saan nakapanayam siya habang namimili ng kanyang mga paninda.

Aniya, naglakad siya patungong palengke at maglalakad muli pauwi dahil sa 'no vaccine, no ride' policy.

Hindi rin daw siya pinapasok sa mismong palengke dahil sa 'no vaccine, no entry' na ipinatutupad din.

Matatandaan naman na nilinaw naman ng Department of Transportation ang mga exempted sa polisiyang ito ang may mga manggawa at mayroong medical condition na makapagpapakita ng patunay mula sa pagamutan o ospital na nagsasabi ng tungkol sa kanilang karamdaman.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica