Sekyu ng Jollibee, pinagmalasakitang pakainin ang isang customer na PWD

Sekyu ng Jollibee, pinagmalasakitang pakainin ang isang customer na PWD

- Viral ngayon ang isang post kung saan makikitang sinusubuan ng sekyu ng Jollibee ang isang customer nilang PWD

- Dati raw ay kasama ng PWD ang lola nito, subalit noong araw na iyon ay mag-isa lamang siya

- Nakita ng sekyu na tila nahihirapang kumain ng paborito niyang Jollibee meal ang PWD kaya naisipan niyang tulungan na ito

- Umani ng papuri ang sekyu na sana'y pamarisan at maging inspirasyon sa marami

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Umantig sa puso ng marami ang video at mga larawan ng security guard na si John Bernard Serdinio ng Jollibee Lopez, Quezon branch matapos nitong pagmalasakitan ang isang PWD.

Sa post na ibinahagi ng isa sa kanilang crew na si Lyan Barreno, makikitang matiyagang sinusubuan ni Guard "Jambi" ang customer nilang PWD.

Sekyu ng Jollibee, pinagmalasakitang pakainin ang isang customer na PWD
Si guard 'Jambi' at ang customer nila (Photo from Lyan Barreno)
Source: Facebook

Sa pahayag naman ng isa sa kanilang manager na si Nemuel Maramot, dati na nilang customer ang PWD.

Read also

Robin Padilla, naluha sa kalagayan ng mga maliit na artistang nais niyang matulungan

Kasama raw lagi nito ang kanyang lola, subalit ng araw na iyon mag-isa lamang ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Nung time na 'yun, wala 'yung lola niya kaya in-assist na niya sa pag-order at sa pagkain."

"Naawa siya dahil nga sa kapansanan nito, alam niyang 'di makakain ng maayos kaya naisip niya subuan para makakain," pahayag ng manager.

Makikitang komportable naman ang PWD sa guard na maayos siyang pinakakain.

Hindi naman alam ng sekyu na kinukunan na pala siya ng video at picture ng isa sa mga crew na labis na humanga sa pagmamalasakit nito sa kanilang customer.

Maging ang mga netizens ay bumilib sa kabutihan ng puso ng gwardiya na sana'y tularan ng marami.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Very good po kuya guard. Nakaka-touch naman itong post na ito."

Read also

Angeline Quinto, masayang ipinasilip ang ultrasound ng kanyang baby boy

"Sana lahat ng guard ganyan, may care sa customers. Kudos po sayo"
"Anong branch po ito ng Jollibee? Kasi dapat kilalanin ang kabutihan ni Kuya guard"
"Ganyan po dapat tayo kahit kanino, may respeto at malasakit"
"Nakakataba ng puso na makitang may mga kababayan tayong marunong mag-aruga sa kapwa"

Maraming kahanga-hangang kwento na ang lumabas patungkol sa mga ginagawang kabutihan ng mga kababayan nating security guards.

Matatandaang nag-viral ang sekyu ng isang pawnshop na habang wala sila gaanong customer ay nagawang magturo sa ilang batang lansangang dumaraan.

Gayundin naman ang isang sekyu na habang nagbabantay ng isang branch ng LBC ay dumidiskarte ng paglalako ng empanada bilang karagdagang tulong sa kanyang pamilya.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica