Sekyu na dumidiskarte rin ng paglalako ng empanada, pinabilib ang maraming netizens

Sekyu na dumidiskarte rin ng paglalako ng empanada, pinabilib ang maraming netizens

- Umani ng papuri ang isang security guard na nagtitinda rin ng empanada

- Naka-uniporme at nasa tabi lamang niya ang lagayan ng paninda, nagkakaroon pa siya ng ekstra na kita araw-araw

- Siya raw at ang kanyang misis ang gumagawa nito at nakakadagdag ito sa pambili ng kanilang ulam

- Humanga ang netizen na nakabili ng paninda ng sekyu kaya binahagi niya sa kanyang social media upang ma-inspire ang iba lalo na iyong mas lalong nahihirapan ang buhay dahil sa pandemya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sekyu na dumidiskarte rin ng paglalako ng empanada, pinabilib ang maraming netizens

Photo from Jason Lauzon's Facebook
Source: Facebook

Viral ang post ng isang netizen kung saan ipinakita niya ang diskarte ng isang security guard na nagtitinda rin ng empanada.

Nalaman ng KAMI na kuha ang larawan sa LBC araneta square monumento branch kung saan makikita ang guwardiya na may katabing lagayan ng paninda.

Bumili ang netizen na si Jason Lauzon na siyang nag-upload ng larawan ng sekyu.

Batang lansangan na nanonood ng cartoons sa wifi kiosk sa Maynila, umantig sa puso ng netizens

Dahil sa humanga siya sa diskarte nito, kinausap din niya ito habang siya ay bumibili.

"Guard : 80pcs yan, iyan nalang natitira.

Ako : ayos konti nalang ah. Magkano tubo mo diyan sir 'pag naubos?

Guard : 300 to 350 pang ulam mamaya pag-uwi.

Ako : Sipag mo din sir niyo napagsasabay mo trabaho mo pati pagbibenta niyan.

Guard : kailangan e alam mo naman mahirap Ang buhay tas 3 anak ko," ang bahagi ng kanilang usapan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kwento pa ng sekyu, sila ng kanyang misis ang gumagawa ng masarap na empanada.

Bago pa umalis ang netizen, inalok pa siya ng guwardiya na bumalik muli kinabukasan at cheese roll naman daw ang kanilang ilalako.

"Minsan Ang sarap din makipag usap sa ibang Tao. Yung di mo kakilala. Lalo Yung mga taong masisipag at lumalaban nang Patas sa buhay kahit Ang hirap nang buhay," ayon pa kay Jaso.

Sharee Roman, naging daan upang maipaliwanag ni Ed Caluag ang mga 'bulong' sa RTIA

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngayong humaharap tayo sa krisis na dala ng pandemya, marami sa atin ang mas lalong naging mahirap ang kalagayan. Ang ilan, nawalan ng hanapbuhay habang ang iba naman ay walang kasiguraduhan kung may mababalikan pang trabaho.

Kaya naman ang ilan, tulad ng sekyu ay nagsisikap na dumiskarte upang mairaos ang pang-araw-araw na gastusin ng kanilang pamilya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel