Pinoy Sorbetes, nilalako sa kalsada ng isang Belgian pastry chef sa Belgium

Pinoy Sorbetes, nilalako sa kalsada ng isang Belgian pastry chef sa Belgium

- Patok sa Belgium ang Pinoy Sorbetes na nilalako sa kalsada ng isang Belgian pastry chef sa Belgium

- Ang misis niyang isang Pinay ang nakahikayat sa kanya na gumawa ng ice cream base sa iba't ibang mga Pinoy flavors

- Sa unang gawa pa lamang umano nila ay nasarapan na ang Pinay na misis hanggang sa dumami na ang mga flavors ng ice cream at isa na rito ang patok sa Belgium na Ube

- Hindi lamang ang mga Pilipino ang tumatangkilik sa sorbetes kundi ang mga Belgian na namangha sa kakaibang sarap ng Pinoy ice cream

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakamamangha na sa Belgium, patok ang Pinoy sorbetes na umiikot din sa kanilang mga kalsada.

Nalaman ng KAMI na isang Belgian pastry chef na si Jelle Bories ang 'sorbetero' na ito na nahikayat lamang ng kanyang misis na Pinay na gumawa ng sorbetes o 'dirty ice cream' kung atin itong tawagin.

Read also

Waiter na todo rampa sa pag-serve ng pagkain, kinagiliwan ng marami

Pinoy Sorbetes, nilalako sa kalsada ng isang Belgian pastry chef sa Belgium
Chef Jelle Bories (Photo from Unang Hirit)
Source: Facebook

Kwento ng nurse sa Belgium na si Kamille Rodriguez-Bories, una nilang sinubukang flavor ang durian na agad naman niyang nagustuhan.

Hanggang sa humirit na rin siya ng iba pang flavors tulad ng ube, mangga at iba pa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ipinasilip din ni Jelle ang pagtitimpla niya ng mga sorbetes lalo na ang mga patok sa Belgian na uba.

Namangha raw ang kanyang mga kababayan sa kakaibang sarap ng ube ice cream lalo na at talagang ube halaya ang ginagamit nilang sangkap para rito.

Kaya naman bukod sa mga Pinoy, enjoy din ang mga Belgian dahil sa bagong lasa ng ice cream na kanilang natikman dahil kay Chef Jelle.

Masaya naman ang misis nito na si Kamille lalo na sa pagtanggap at pagbabahagi pa ni Jelle ng kulturang Pinoy sa kanilang bansa.

Read also

Alex Gonzaga at Bayani Agbayani, kinaaliwan sa isang TikTok video

Narito ang kabuuan ng kanilang kwento na naibahagi ng Unang Hirit, GMA News:

Nakatutuwang isipin na maging sa ibang bansa ay nakikilala ang mga pagkaing Pinoy. Matatandaang patok din sa Amerika ang iba pang street food ng mga Pilipino tulad ng kwek-kwek, fishball, kikiam at maging inasal.

Tulad na lang ni Robin John Calalo na pumapalo sa halagang Php800,000 ang kinikita sa pagtitinda ng mga Pinoy Ihaw-ihaw sa New York City, USA.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica