Waiter na todo rampa sa pag-serve ng pagkain, kinagiliwan ng marami

Waiter na todo rampa sa pag-serve ng pagkain, kinagiliwan ng marami

- Kinagiliwan online ang isang restaurant staff na tinaguriang 'rampadora' dahil sa paraan ng pag-serve niya ng pagkain

- Aliw na aliw ang mga customers dahil bago makarating sa kanila ang pagkain, tila nagkaroon muna ng show ang waiter

- Maging ang mga netizens ay natuwa sa viral video na ito at sana'y sa ibang restaurant din daw ay makaisip ng ganitong gimik

- Isa lamang ito sa mga nakatutuwang video na nagbibigay saya sa atin sa kabila ng patuloy na pagdanas natin ng pandemya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Viral ngayon ang video ng isang restaurant staff sa South Cotabato na todo rampa sa paghahatid niya ng pagkain sa mga customers.

Nalaman ng KAMI na ang waiter na ito ay si Richard Enting Fungan na tinaguriang 'rampadora.'

Makikita sa video na bago pa man makarating sa mga customers ang kanilang order, maingat na nairampa muna ito ni Richard.

Read also

Dating guro sa Pinas, masaya na ngayon sa pagiging welder sa Canada

Waiter na todo rampa sa pag-serve ng pagkain, kinagiliwan ng marami
Photo: Richard Enting Fungan
Source: Instagram

Kahit pa puno ang tray na dala niya, game na game pa rin ito sa pagkembot habang inihahatid ang mga pagkain sa mga mesa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang netizens, natuwa rin sa gimik na ito ng waiter na sana raw ay magkaroon din sa iba pang mga restaurant.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Ang galing ni kuya ah, kahit tumarampa naingatan pa rin yung food"
"Ang saya siguro lagi sa restaurant na iyan, sana magkaroon din sa iba"
"Isa rin siguro si Kuya sa binabalik-balikan diyan ng customers kasi nakakawala siya ng stress"
"'Yung kakain ka lamang naman pero nakapanood ka pa ng show, nakakatuwa!"
"Maisip din sana ito ng mga resto sa Manila. Ang saya siguro."

Narito ang video na naibahagi rin ng ABS-CBN:

Ngayong pandemya, nakapagbibigay saya at naiibsan ang ating pangamba sa mga nangyari sa paligid dahil sa mga video na tulad nito.

Read also

Chad Kinis, isinama ang Beks Friends sa pagsilip sa kanyang bagong gawang townhouse

Isa na rito ang video na kuha sa isang jeep na mayroong pa-videoke ang driver.

Kamakailan, matatandaang nag-viral naman ang video kung saan nag-baton twirling exhibition ang isang buntis.

Gayundin ang isang lalaki na nakabakasayon ngunit nagawa paring sumagot ng email kahit na siya at nagpa-parasail.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel