Chad Kinis, isinama ang Beks Friends sa pagsilip sa kanyang bagong gawang townhouse

Chad Kinis, isinama ang Beks Friends sa pagsilip sa kanyang bagong gawang townhouse

- Isinama ni Chad Kinis ang Beks Battalion at ilan sa kanilang Beks Friends sa pagsilip ng kanyang townhouse

- Sobrang saya ni Chad na sa wakas ay nagawa na ang kanyang bahay na natagalan dahil sa pandemic

- Bagaman at wala pang mga kagamitan, makikita ang na rin ang ganda ng bawat bahagi ng bahay na may apat na palapag

- Sa susunod na pagbalik umano nila roon, kumpleto na ito para sa house blessing

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mababakas ang saya ng miyembro ng Beks Battalion na si Chad Kinis sa pagsilip nila sa kanyang bagong gawang townhouse.

Nalaman ng KAMI na kasama ni Chad ang mga ka-BB na sina Lassy at MC Muah gayundin ang Beks Friends nilang sina Divine Tetay at TonTon.

Chad Kinis, isinama ang Beks Friends sa pagsilip sa kanyang bagong gawang townhouse
Chad Kinis (@chadkinis)
Source: Facebook

Wala pa mang gaanong kagamitan ang bahay ngunit kitang-kita na ang ganda at pagkamoderno ng disenyo nito.

Read also

Carlo Aquino, nagbahagi ng isang madamdaming song cover

Maging ang mga kaibigan ni Chad ay natuwa sa pinaghirapan at pinagsikapang tahanan na naipundar ni Chad.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Apat na palapag ang bahay na balak niyang palagyan pa ng pool ang rooftop.

Ayon pa kay Chad, sa susunod na pagbabalik nila roon, kumpleto na ang kanyang kagamitan at handa na para sa kanilang house blessing.

Narito ang kabuuan ng video mula sa kanyang YouTube channel na Chad Kinis:

Si Chad Kinis ay isa sa mga kilalang komedyante sa Pilipinas. Bahagi siya ng grupong Beks Battalion kung saan kasama niya sina Lassy at MC Muah. Sumikat sila sa kasagsagan ng pandemya gayung isa ang grupong 'Beks Battalion' sa mga nagbibigay saya sa mga tao sa pamamagitan ng mga nakatutuwang videos nila sa kanilang YouTube channel. Kasalukuyan na silang mayroong 2.19 million subscribers.

Read also

'Little Princess' na si Jo Berry, ibinahagi ang pagpanaw ng ama dahil sa COVID-19

Kamakailan, ginulantang ni Chad ang publiko sa kanyang anunsyo na isa na siyang "Dada".

Sa kanyang YouTube channel, ikinuwento niya ang pagiging ama dahil inako na niya ang responsibilidad na ito para sa pamangkin na si Rica Lorice.

Anak ito ng kanyang Ate Laarnie subalit sa kasamaang palad, hindi raw umano ito pinanagutan ng nakabuntis sa kanya.

Gayunpaman, handa raw umano si Chad na ibigay ang lahat ng pangangailangan ng pamangkin lalong-lalo na ang pagmamahal ng isang ama. Dahil dito, umani lalo ng papuri si Chad dahil sa kahanga-hanga niyang pagmamahal sa pamilya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel