'Little Princess' na si Jo Berry, ibinahagi ang pagpanaw ng ama dahil sa COVID-19

'Little Princess' na si Jo Berry, ibinahagi ang pagpanaw ng ama dahil sa COVID-19

- Matapang na ibinahagi ni Jo Berry ang sinapit ng kanyang ama na isa sa mga pumanaw dahil sa COVID-19

- Bukod sa ama, tinamaan din at kalauna'y pumanaw ang kanyang lola at kuya na tumatayong manager niya

- Ito ay sa kasagsagan ng kanyang lock-in taping para sa bagong teleserye niyang 'A Little Princess' sa GMA

- Masakit man para kay Jo ang nangyari lalo na at ang kanyang ama ang unang tumawag sa kanyang 'prinsesa', nagsisilbing inspirasyon pa rin ito sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naiabahagi ng 'Little Princess' ng GMA na si Jo Berry ang mapait na karanasan nilang pamilya sa COVID-19 noong nakaraang taon.

Sa dokumentaryo ni Howie Severino tungkol sa ama ni Jo na si Perry Berry, naitampok din si Jo at kanilang pamilya.

'Little Princess' na si Jo Berry, ibinahagi ang pagpanaw ng ama dahil sa COVID-19
Kapuso Star na si Jo Berry kasama ang ama na si Perry Berry (Photo from Josephine Berry)
Source: Facebook

12-anyos pa lamang nang unang makilala ni Howie si Joat ama nitong si Perry na noo'y isa pang pastor.

Read also

Pacquiao kung bakit siya ang dapat na ibotong Pangulo: "Nakita ko ang problema ng bansa"

Bilang bunso sa magkakapatid at tulad ng ama na isa rin sa mga little people, 'princess' ang tawag ntio sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ito rin kasi ang numero unong sumusuporta sa kanya sa lahat ng mga naisin niya sa buhay.

Subalit noong 2021, tinamaan ng COVID-19 si Jo, ang kanyang ina at kuya JR na tumatayong manager naman niya.

Sa kasamaang palad ay nahawa rin ang iba nilang miyembro ng pamilya kabilang na ang ama ni Jo.

Sa simula'y nakakausap pa niya sa video call ang kanyang ama. Subalit kalauna'y tuluyan na itong sumakabilang buhay.

"Nauwi namin siya sa bahay September 22nd, yun naka-urn na po and I have to leave the next morning ng 23rd para sa lock-in taping"

Bukod dito, maging ang kanyang kuya at manager na si JR ay hindi rin kinaya ang bagsik ng virus at pumanaw din. Maging ang lolo na niya ay kinuha rin ng COVID-19 kaya naman labis-labis ang pighati na dulot nito sa kanilang pamilya.

Read also

BBM, sinabing tila 'di pa nabatid ng ibang candidates ang halaga ng unity

"Isa 'yun sa mga naging sobrang laking push sa'kin. Kasi 'yun yung binilin ni Papa. Lagi kasi niyang sinasabi na be professional. And gusto ko rin pong i-honor na yung Little Princess din po kasi 'yung last na show na na-arrange ng eldest brother ko, ni Kuya J na alam kong gugustuhin talaga nila na ituloy ko."

Narito ang kabuuan ng kwento ni Jo Berry mula sa I-Witness:

Si Jo Berry ay isa sa mga aktres ng GMA Network. Una siyang nakilala at hinangaan sa pagganap niya bilang si Onanay. Kahit na unang proyekto pa lamang niya, hindi siya nagpahuli sa mga naglalakihan at respetadong artista na sina Nora Aunor at Cherie Gil.

Ngayon, muli na naman siyang nagbibida sa isang teleserye bilang si "Little Princess" na mapapanood tuwing hapon sa Kapuso network.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel