Jeep sa Maynila na may pa-videoke sa pasahero, kinagiliwan ng netizens

Jeep sa Maynila na may pa-videoke sa pasahero, kinagiliwan ng netizens

- Kinagiliwan online ang viral video ng isang pasahero na kumakantang naka-mic pa sa loob ng jeep

- Ayon sa pasaherong kumuha ng video, cellphone, mic at bluetooth speaker ang ginamit ng driver para maaliw ang kanyang mga pasahero

- Kaya naman nang sila ay sumakay, isa sa kanibigan ng uploader ang nagpaunlak ng ilang kanta sa mga kasakay nila sa jeep

- Pansin nilang tila enjoy din ang driver at napapabagal ito ng pagpapatakbo ng kanyang jeepney

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Namangha ang mga netizens na nakapanood ng video kung saan kumakanta ang isang pasahero sa loob ng jeep.

Nalaman ng KAMI na kuha ito ni Scarlett Natividad nang mag-volunteer ang kaibigan niyang si Niks na 'mag-sampol' ng kanyang pag-awit.

Nakailang kanta si Niks, kabilang na rito ang "Sayang na sayang" at pngmalakasang kanta na "Alone."

Read also

70-anyos na tindero ng itlog, naloko na ng customer; natangayan pa ng Php10,000

Jeep sa Maynila na may pa-videoke, kinagiliwan ng netizens
Photo from Scarlett Natividad
Source: Facebook

Kwento pa ni Scarlett walang 'Kj' na pasahero at lahat talaga ay nag-enjoy sa kanilang biyahe kabilang na ang driver.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Napansin kasi nilang tila bumagal ang patakbo nito at tuwang-tuwa rin sa entertainment na nagaganap sa kanyang pampasaherong jeep.

Tunay na nakakawala umano ng stress ang naisipang gawin na ito ng driver kung saan cellphone, microphone at bluetooth speaker ang gamit sa pagpapa-videoke.

Mapapansin din ang ibayong pag-iingat gayung maka-mask pa rin talaga ang singer habang kumakanta.

Maging ang mga netizens ay naaliw sa viral video at hiling na sana'y makasakay sila ng jeep na may pa-videoke.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Ang saya naman ng jeepney ride nila! Daig pa ang may outing"
"Nakakawala ng stress to, sana lahat ng jeep meron nito"

Read also

Pacquiao kung bakit siya ang dapat na ibotong Pangulo: "Nakita ko ang problema ng bansa"

"Game na game naman ang mga pasahero, todo cheer sa kanilang singer"
"Wish Jeepney yern? Ang kulit ng idea ng driver"
"Parang ayaw nang bumaba ng mga pasahero sa sobrang saya nila o!"

Narito ang kabuuan ng video na ibinahagi rin ng Philippine Star:

Ngayong pandemya, nakapagbibigay saya at naiibsan ang ating pangamba sa mga nangyari sa paligid dahil sa mga video na tulad nito.

Kamakailan, matatandaang nag-viral naman ang video kung saan nag-baton twirling exhibition ang isang buntis.

Gayundin ang isang lalaki na nakabakasayon ngunit nagawa paring sumagot ng email kahit na siya at nagpa-parasail.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel