Dating guro sa Pinas, masaya na ngayon sa pagiging welder sa Canada

Dating guro sa Pinas, masaya na ngayon sa pagiging welder sa Canada

- Marami ang namangha at na-inspire sa kwento ng OFW na si Shirley Alah o mas kilala bilang si Zia Welder

- Dahil sa kanyang abilidad at kakayahan, nakahanap siya ng trabaho sa Canada kahit aminado siyang hindi madali ang pagdaraanan lalo na at caregiver sana ang papasukan niya

- Dating welding instructor si Shirley sa Pilipinas at hindi niya akalaing ang skill na ito ang magdadala sa kanya sa mamahalin niyang hanapbuhay sa Canada

- Sa pagiging welder, hindi maapektuhan ang karamdaman niya sa lalamunan na siyang naging dahilan kung bakit nagkaroon na rin siya ng problema sa pagtuturo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tunay na kahanga-hanga ang kwento ng tagumpay ng overseas Filipino worker na si Shirley Alah o mas kilala bilang si Zia Welder.

Nalaman ng KAMI na dating guro sa Pilipinas si Shirley bago siya papuntahin ng kanyang tiya sa Canada.

Read also

Herlene 'Hipon' Budol, masayang mapupunta na diretso sa kanya ang sahod sa YouTube

Nagkaroon ng throat infection si Shirley dahilan para mag-isip at maghanap siya ng paraan para makapag-hanabuhay nang 'di naaapektuhan ang kanyang dinaramdam.

Dating guro sa Pinas, masaya na ngayon sa pagiging welder sa Canada
Shirley Alah (Zia Welder)
Source: Facebook

"So nag-isip ako paano ako makakapagturo habang hindi nagsasalita. Kasi sayang yung license,” pahayag ni Shirley sa panayam sa kanya ng Omni Filipino nito lamang Enero 19, 2022.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kanyang pagbabakasyon sa Australia, doon siya nagkaroon ng ideya ng welding kung saan maari siyang magturo nang hindi nagsasalita.

Kaya naman nang bumalik sa Pilipinas, nag-aral siya ng pagwe-welding at naging ganap na welding instructor ng Technical Education and Skills Development Authority sa loob ng tatlong taon.

Taong 2017 nang magkaroon ng pagkakataong makapunta sa Canada si Shirley sa tulong ng kanyang tiya.

Aminado siyang hindi madali ang naging karanasan niya roon sa paghahanap ng trabaho.

Read also

Jackie Lou Blanco, inaming bukas sa posibilidad ng pakikipagbalikan kay Ricky Davao

Una siyang naging tagalinis ng isang ospital sa Vancouver hanggang sa naisip niyang maghanap ng ibang trabaho gayung mayroon naman siyang skill.

Ito ang nagtulak sa kanya para pasukin ang trading industry kung saan kinilala ang kanyang credentials pagdating sa welding.

Kaya naman ngayon, nagsisilbing inspirasyon siya sa marami nating mga kababayang nangingibang bansa.

Nagbunga ang kanyang sipag, abilidad at tiyaga na mahahanap niya ang tamang hanapbuhay na magbibigay kasiyahan din sa kanya.

Nakatutuwang isipin na marami naman sa ating mga kababayang OFW ay naging maayos ang pamumuha sa ibang bansa.

Ang ilan, maayos ang trato ng kani-kanilang amo o employer dahilan para makapagpundar sila ng mga ari-arian sa Pilipinas.

Ang iba naman nakapagpapatayo ng sarili nilang negosyo upang sa pagbabalik nila ng Pilipinas ay meron pa rin silang pagkabuhayan.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica