Lolo Narding at caretaker na si Robert Hong, nagkasundo na
- Ayon sa statement na inilabas ni Presidential aspirant Panfilo Lacson, nagkausap na ang kampo nina Lolo Narding at caretaker na si Robert Hong
- Hiling lamang umano ng kampo ni Robert ay aminin ni Lolo Narding ang kanyang ginawa at humingi siya ng dispensa
- Nagtatrabaho sa quarry site umano si Robert bilng truck driver at kung minsan ay nagbubuhat ng hollow blocks
- Dahil sa pangyayari ay hindi siya makabalik sa trabaho at nangangamba siya at ang kanyang pamilya para sa kanyang kaligtasan
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential aspirant Panfilo Lacson na mismong siya ay pumunta sa Asingan, Pangasinan nitong January 20 upang malaman niya mismo ang tunay na nangyari bago pa man siya magbigay ng tulong.
Aniya, napagpasyahan ng dalawang kampo na magkasundo kaugnay sa kanilang kaso na nakatakdang magkaroon ng arraignment ngayong February 8.
Hiling lamang umano ng kampo ni Robert ay aminin ni Lolo Narding ang kanyang ginawa at humingi siya ng dispensa. Nagtatrabaho sa quarry site umano si Robert bilng truck driver at kung minsan ay nagbubuhat ng hollow blocks.
Dahil sa pangyayari ay hindi siya makabalik sa trabaho at nangangamba siya at ang kanyang pamilya para sa kanyang kaligtasan.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Towards the end of the day, Robert and Lolo Narding agreed to amicably settle their case in court during the latter's scheduled arraignment on February 8. Robert's only request is for us to help him rectify the disinformation no matter how unintentional, but unfortunately has put him in a very bad light. He said that he only did what is right under the circumstances and does not deserve the treatment he is getting, mostly from the misinformed netizens and the public. We believed him.
Sa pagpasok ng pandemya, lalong naging aktibo ang mga Pinoy sa social media. Bukod sa mga lockdown at quarantine restrictions, lalong naging aktibo sa internet at social media ang mga tao. Kaya naman, mas mabilis na rin ang paglaganap ng mga balita. Kadalasan ay nagiging viral ang mga balitang pumupukaw sa interes ng karamihan.
Matatandaang ilan sa mga pinakatinutukang kaso ng pagpaslang ay ang pagbaril ng pulis na si Jonel Nuezca sa mag-ina. Kinalaunan ay nahatulan ito at nakulong hanggang sa kamakailan ay lumabas ang balitang pumanaw na ito.
Pumukaw din sa interes ng publiko ang sinapit ng isang Grab driver na si Jang Lucero. Naging mailap ang pagkuha ng hustisya para kay Lucero matapos ang mahigit isang taon.
Source: KAMI.com.gh