LJ Reyes, ibinahagi ang kanyang pananaw tungkol sa tunay na kasiyahan

LJ Reyes, ibinahagi ang kanyang pananaw tungkol sa tunay na kasiyahan

- Matapos ang masalimuot na pinagdaanan sa kanyang buhay pag-ibig, marami ang humanga sa positibong pananaw sa buhay ni LJ Reyes

- Hindi ito nagbahagi ng kanyang sama ng loob kaugnay sa kanyang dinanas ngunit dahil sa kanyang pinapamalas na katatagan ay nagiging inspirasyon siya ng marami

- Sa kanyang ibinahaging Instagram post, makikita ang kanyang picture kung saan nakatawa siya

- Aniya, ang pagtawa na nagmula sa totoong kasiyahan sa puso ang tunay na pinakamabisang gamot

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami ang natuwa para kay LJ Reyes dahil sa kabila ng masalimuot na pinagdaanan sa kanyang buhay pag-ibig, nanatiling positibo ang kanyang pananaw sa buhay. Nagsilbi siyang inspirasyon sa mga kababaihang dumaranas din ng problema sa buhay.

LJ Reyes, ibinahagi ang kanyang pananaw tungkol sa tunay na kasiyahan
LJ Reyes (@lj_reyes)
Source: Instagram

Sa kanyang ibinahaging Instagram post, makikita ang kanyang picture kung saan nakatawa siya. Aniya, ang pagtawa na nagmula sa totoong kasiyahan sa puso ang tunay na pinakamabisang gamot.

Read also

Sandara Park, pinakita ang kanyang bahay sa pamamagitan ng isang house tour

Heard a thousand times before that laughter is the best medicine! But I think it’s the laughter that comes from joy deep down in your hearts that will radiate happiness and contentment.❤️

Bukod dito ay nagbahagi din siya ng isang Bible verse:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“You make known to me the path of life; you will fill me with joy in your presence, with eternal pleasures at your right hand.” ‭‭Psalms‬ ‭16:11‬

Marami naman ang naghayag ng kanilang kasiyahan para sa aktres:

Sobrang tawa naman nyan! Pakurot sa dimples hahahaha
Im so happy for you ate LJ. Jesus has big hearts for single Moms. Blessings will come pouring upon you and your Family in his perfect time.
Namiss ko na yung tawang tawa ka just like that

Si LJ Reyes o Lourna Jane Pujeda Reyessa totoong buhay ay isang Filipina actress. Sumikat siya nang tangahaling isa sa Final Four sa 2nd season ng reality talent search ng GMA StarStruck.

Read also

BF, sa paboritong online game nila ng GF ginawa ang wedding proposal

Sa kasalukuyan, isa siyang Kapuso talent. Matapos ng kanilang paghihiwalay ni Paolo Contis, pumunta si LJ kasama ang dalawang mga anak na sina Aki at Summer sa America kung nasaan naroon ang pamilya ni LJ.

Naging usap-usapan ang aktres matapos niyang dumalo sa Fashion week kung saan marami ang humanga sa kanyang kagandahan. Kinagiliwan din ang workout video nila ng anak niyang si Summer.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel