Ilang pulis, nag-ambagan para matupad ang party ng anak ng nasa kanilang kustodiya

Ilang pulis, nag-ambagan para matupad ang party ng anak ng nasa kanilang kustodiya

- Viral ngayon ang nakaaantig ng pusong ginawa ng mga pulis sa anak ng isa sa kanilang 'person under police custody' (PUPC)

- Hiling daw kasi nitong madalaw ang limang taong gulang na anak na magdiriwang ng kaarawan

- Dahil hindi nila ito mapapayagan naisipan na lamang ng mga pulis sa Sta. Elena Camarines Norte na bigyan ng munting party ang bata

- Masarap din umano sa kanilang pakiramdam na napasaya nila ang pamilya ng PUPC na nakagaanan na rin naman nila ng loob at itinuring na hindi na iba sa kanila

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Umantig sa puso ng maraming netizens ang ginawa ng mga pulis ng Sta. Elena Camarines Norte sa anak na isa nilang person under police custody (PUPC).

Nalaman ng KAMI na hiniling umano ng PUPC na mabisita ang limang taong gulang na anak na magdiriwang ng kaarawan.

Read also

Lolit Solis, hanga kay Coco Martin sa tuloy-tuloy na taping ng 'Ang Probinsyano'

Ilang pulis, nag-ambagan para matupad ang party ng anak ng nasa kanilang kustodiya
Photo from Sta. Elena MPS Camarines Norte
Source: Facebook

Dahil hindi nila maaring mapayagan ito, naisipan na lamang ng mga pulis na mag-ambagan para sa budget ng munting salo-salong ihahanda para sa anak ng PUPC.

At dahil hindi maaring lumabas, sa loob mismo ng istasyon ng pulisya sa Sta. Elena ang munting salo-salo para mapagbigyan ang hiling ng lalaking nasa kustodiya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon kay PMAJ Kim Laurence Arenas ng Sta. Elena MPS, madalas nilang gawin ang munting handaan sa kapwa nila personnel.

Ngunit masarap umano sa kanilang pakiramdam na nakapagpasaya sila ng isang person under police custody at ang pamilya nito.

Itinuring na rin kasi nila itong hindi iba sa kanila lalo na at kinakitaan nila ito ng kasipagan kaya naman nakagaanan na rin nila ito ng loob.

Masaya rin silang makita na naging masaya ang anak na nakasama pansamantala ang kanyang ama at nabuo sandali ang kanyang pamilya.

Read also

Lolit Solis, naawa kay Lucy Torres na umano'y na-bash nang husto sa statement nito ukol kay BBM

Sa kabila ng mga ipinakikitang hindi magandang imahe ng ilan sa ating mga kapulisan, mas nangingibabaw pa rin ang patuloy na nagbibigay dedikasyon sa kanilang sinumpaang tungkulin at minsan ay higit pa.

Tulad na lamang sa nangyari kamakailan kung saan nasapul ng camera ang pananampal ng isang nagwawala umanong customer sa mall sa pulis na umaawat sa kanya.

Nanatiling kalmado ang pulis at mas piniling patawarin ang customer na hindi rin nila basta napakalma.

Napag-alaman nila na ang naturang customer ay mayroong depresyon kaya naman mas nanaig pa rin sa kanila ang awa at pag-unawa rito.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica