Lolit Solis, hanga kay Coco Martin sa tuloy-tuloy na taping 'Ang Probinsyano'

Lolit Solis, hanga kay Coco Martin sa tuloy-tuloy na taping 'Ang Probinsyano'

- Humanga si Lolit Solis sa tuloy-tuloy na taping ng 'Ang Probinsyano' sa kabila ng banta ng Omicron variant ng COVID-19

- Hinangaan din niya si Coco Martin sa pamumuno sa 'Ang Probinsyano' at sa layo na rin ng narating ng programa

- Dahil dito, naniniwala si Lolit na ang naturang programa ni Coco ang pinakamatagal na seryeng eere sa telebisyon

- Pabiro rin niyang nasabi na marahil sa tagal ng serye, doon na magkaka-asawa at magkakaanak si Coco Martin

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nagpahayag ng paghanga si Lolit Solis sa patuloy na pagti-taping ng 'FPJ's Ang Probinsyano' ni Coco Martin.

Aniya, sa kabila ng banta ng Omicon variant ng COVID-19 sa bansa ay patuloy ang taping ng serye at ayaw nilang mag-replay ng kanilang episodes.

Lolit Solis, hanga sa tuloy-tuloy na taping 'Ang Prinsyano' sa kabila ng banta ng Omicron
Lolit Solis (@akosilolitsolis)
Source: Facebook

Hanga rin si Lolit kay Coco Martin na siyang utak ng buong programa. Nagagawa pa rin daw kasi nitong maging kapana-panabik ang bawat gabi kahit gaano na sila katagal sa ere.

Read also

Lolit Solis, naawa kay Lucy Torres na umano'y na-bash nang husto sa statement nito ukol kay BBM

"Hanga na ako sa utak ni Coco Martin dahil tignan mo lang kung gaano na kalayo sng narating ng Probinsiyano. Nanganganak bawat eksena, at nadaragdagan naman ang followers niyo bawat araw. Brilliant ang utak mo para maka isip ka ng tuloy tuloy ng ganuon katagal. Na talagang para maging exciting , kailangan may bago tuwang magtatapos ang bawat episode."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil dito, naniniwala siyang ito na ang magiging pinakamatagal na tatakbong teleserye sa bansa.

Marahil sa tagal ng itatakbo ng programa dahil na rin sa dami ng patuloy na tumatangkilik dito, pabirong sinabi ni Lolit na maaring doon na magka-asawa at magkaanak si Coco Martin.

"Hindi ako magtataka kung diyan na magkaruon ng asawa at mga anak si Coco Martin, heh heh , joke joke joke"

Si Lolit Solit ay isa sa mga batikang showbiz columnist sa bansa. Isa rin siya sa mga talent manger na nag-alaga sa ilang mga kilalang artista ngayon. Kilala rin siya sa kanyang matatapang na pahayag patungkol sa showbiz, social at political issues sa bansa.

Read also

Madam Inutz, wagi sa Gawad Amerika bilang 2021 Outstanding Social Media Influencer

Kamaikailan nga'y naglabas din siya ng saloobin patungkol sa misis ni basketbolistang si Terrence Romeo. Aniya, naaawa siya sa sinapit nito.

Nagpahayag din si Lolit ng paghanga kay Lucy Torres Gomez dahil sa paninindigan nito sa kanyang pahayag ukol kay Bongbong Marcos. Naawa rin siya rito sa kabilang banda dahil na-bash maman daw ito nang husto.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel