BF, sa paboritong online game nila ng GF ginawa ang wedding proposal
- Viral ngayon ang kakaibang wedding proposal na ginawa ng nobyo sa paboritong online game nila ng kanyang girlfriend
- Naisipan niyang i-surpresa ang kanyang girlfriend na isang gamer din sa isang kakaibang proposal
- Pinaglaro niya ang nobya at sa dulo ng quest, naroon ang mahiwagang tanong na "Will you be my wife?"
- Isang buwan daw na pinaghandaan ito ng nobyo dahil sa mga gamit na binili niya sa game para maisakatuparan ang kanyang plano
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Agaw-eksena ngayon ang kakaibang wedding proposal na ginawa sa pamamagitan ng online game na Genshin Impact.
Ibinahagi ng girlfriend na si Ronica Pilar Mejica Cabansag ang kakaibang wedding proposal na inihanda sa kanyang boyfriend.
'Extreme Introvert' kung ilarawan ni Ronica ang kanya na ngayong fiancé. Kaya nang imbitahan siya nito na magtungo sa kanilang bahay, bagaman at may kutob na si Ronica ay hindi pa rin niya lubos maisip ang posibleng gawin ng nobyo para sa kanya.
"So ayun na nga. Pagkaopen ko Ng kwarto nya may sumilip na lights and balloons,"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"I got mixed emotions. Umiiyak and tumatawa at the same time and takot ituloy buksan Yung pinto,"
"When I decided finally buksan pintuan ayun na nabungad Yong GENSHIN IMPACT which is our favorite online game," paglalahad ni Ronica.
Sa nasabing online game, pinaglaro ng BF si Ronica at sa dulo ng quest nito doon niya nakita ang mahiwagang tanong na "Will you be my waifu?" (Will you be my wife?)
Alam ni Ronica ang hirap ng nobyo mabuo lang ang kakaibang wedding proposal. Inabot daw ito ng isang buwan gayung kailangan pa nitong bilhin ang mga gamit para maisakatuparan ang ganap na labis na nagpasaya sa kanya na ngayong bride-to-be.
Narito ang kabuuan ng post:
Tila nagiging creative lalo ngayon ang mga Pinoy na nagiging mas nakakakilig ang naiisip na wedding proposal sa gitna ng pandemya.
Kamakailan, nag-viral ang proposal kung saan nagkunwaring hinimatay ang nobyo na labis naman ipinag-alala ng kanyang pakakasalan. Ngunit nang bigla niyang ilabas ang singsing at sabihin ang totoong motibo, agad din namang nag-yes ang babae.
Gumawa rin ng ingay online ang wedding proposal na ginanap sa drive-in cinema ng SM MOA. Matatandaang matagal na ipinagbawal ang panonood ng pelikula sa mga sinehan kaya naman nagkaroon ng drive-in cinema.
Kinilig naman ang nakasabay ng magkasintahan dahil bago ipalabas ang kanilang panonoorin ay doon isinagawa ang wedding proposal.
Source: KAMI.com.gh