Marriage proposal sa SM MOA drive-in cinema, nagpakilig at nagpaluha sa netizens

Marriage proposal sa SM MOA drive-in cinema, nagpakilig at nagpaluha sa netizens

- Nagpakilig sa mga netizens ang isang wedding proposal na naganap sa SM Mall of Asia Drive-in Cinema

- Walang kaalam-alam ang soon-to-be bride sa espesyal na proposal ng inihanda ng kanyang nobyo

- Nagkunwaring nag-CR ang nobyo para sandaling maiwan ang girlfriend bago ipalabas sa big screen ang video presentation at maibulalas niya mga katagang "Will you marry me?"

- Halos hindi makapaniwala ang nobya sa mga pangyayari at "nahihiya" umano siya sa dami ng taong nakasaksi sa kanilang kakaiba at nakakakilig na engagement

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Wedding proposal sa SM MOA drive-in cinema, nagpakilig at nagpaluha sa netizens

Photo: JR Gamueda's Facebook
Source: Facebook

Nagpaluha at nagpakilig sa mga netizens ang video ng marriage proposal ni Kevin Sevilla Repas sa kanyang nobya na si Rheena Roque Salonga na ginanap sa SM Mall of Asia drive-in cinema.

Nalaman ng KAMI na naganap ito noong Oktubre 17 at walang kaalam-alam si Rheena sa mga nai-plano ng kanyang nobyo.

Mother Kween, emosyonal nang ipakita ang update sa bahay ng anak na si Lloyd Cadena

Ipinagpaliban daw nila ang dapat na lunch date nila at nag-alibi ang lalaki na mayroon itong kakausapin.

Natuloy na lamang ang kanilang date nang gabing iyon na siyang oras ng pag-propose ni Kevin kay Rheena na inakala lamang nitong manonood sila sa drive-in cinema.

Kasabwat ang ilang staff ng SM MOA, nagkunwaring sumama ang tiyan ni Kevin para maiwan nito sandali ang nobya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Pinalapit ni Kevin ang kasabwat na staff kay Rheena para mapalabas niya ito sa kanilang sasakyan.

Doon, hinatid na si Rheena malapit sa big screen kung saan ipinalalabas ang video ng kwento ng kanilang pag-iibigan ni Kevin.

Sa harap ng ilan nilang mga kaibigan at kaanak, lumapit na si Kevin sa kanyang nobya na aminadong hiyang-hiya raw sa mga nangyayari lalo na at marami-rami ring tao ang nakasaksi ng kanilang nakakakilig na engagement.

Nagpakilalang pamangkin ng isang film producer, ipina-Tulfo ng ex-GF

Narito ang kabuuan ng video na ibinahagi ni JR Gamueda na siyang kumuha ng bawat eksena sa surprise wedding proposal ni Kevin kay Rheena:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakatutuwang isipin na sa kabila ng pandemyang ating patuloy na kinahaharap, may mga masasayang kaganapan pa rin tulad ng marriage proposal ni Kevin kay Rheena.

Hindi ito nalalayo sa good vibes na wedding video ng isang nurse na matapos na gumaling sa COVID-19 ay pinakasalan ng kanyang nobyo.

Mayroon din naman na itinuloy ang kasalan kahit na naka-mask at ang perang gagamitin para sana sa kanilang reception ay ginamit na lamang nila sa pamimigay ng grocery items at PPE sa mga medical frontliners.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel