Sharon Cuneta, umani ng papuri sa throwback photo nila ni KC Concepcion

Sharon Cuneta, umani ng papuri sa throwback photo nila ni KC Concepcion

- Marami ang napa-wow sa throwback photo ni Sharon Cuneta kasama ang anak na si KC Concepcion

- Makikita sa larawan ang young Sharon na karga ang kanyang baby KC

- Umani ito ng papuri sa netizens lalo na ang kagandahan ni Sharon noon hanggang ngayon

- Una ring naibahagi ng Megastar ang kanyang larawan kasama naman ang kanyang baby Frankie at Baby Miel

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Viral ngayon ang throwback picture ng nag-iisang Megastar na si Sharon Cuneta kasama ang kanyang panganay na si KC Concepcion.

Nalaman ng KAMI na talagang napa-wow ang netizens sa larawang nai-post ni Sharon sa kanyang Instagram kung saan karga niya noon ang kanyang baby KC.

Sharon Cuneta, umani ng papuri sa throwback photo nila ni KC Concepcion
Sharon Cuneta (@reallysharoncuneta)
Source: Instagram

May caption itong "Mama and baby KC. @kristinaconcepcion"

Namangha ang netizens lalo na ang mga fans sa kagandahan ni Sharon na talaga namang napanatili niya hanggang ngayon.

Read also

Andrea Brillantes, naalarma sa poser; pinare-report ang fake account

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga naging komento:

"OMG! So pretty and sexy po noon man hanggang ngayon"
"Cute little KC and pretty Mommy Sharon. More throwback photos pa po sana"
"Super payat mo po! At talagang maganda na noon pa man ang idol ko"
"Beauty, brain and talent po kayong mag-ina. Nakaka-inspire"
"Wow super slim @reallysharoncuneta. Classic pic of Mega & First daughter"

Una nang naibahagi ni Sharon ang mga throwback pictures nila ng kanya noong Baby Frankie pa lamang gayundin ang kanyang Baby Miel.

Si Sharon Cuneta ang tinaguriang Megastar ng Pilipinas dahil siya ay isa mga sa kinikilalang mahuhusay na aktres at singer sa bansa.

Kamakailan ay nagpahayag ito ng kanyang saloobin patungkol sa pag-iisa matapos ang kanyang kaarawan dahil siya ay sumailalim sa ilang araw na isolation.

Read also

Doc Willie Ong, nagpositibo sa COVID-19; nagbigay ng payo base sa kanyang nararanasan

Gayunpaman, inulan naman siya ng pagbati at pagmamahal kung saan isa na rito ang aktres at kasama niya sa seryeng 'Ang Probinsyano' na si Ara Mina sa nagsabing miss na miss na niya ang kanyang Ate Sharon na sana'y makasama na niyang muli sa taping.

Isa rin sa mga throwback photos na naibahagi niya ay ang larawan kung saan kasama pa niya sina Fernando Poe Jr. at Rudy Fernandez na kanya umanong nami-miss na. Nasa parehong larawan din sina Robin Padilla at Bong Revilla.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel