Lalaking 30 taon nang paralisado ngunit nagtatrabaho pa rin, dinagsa ng tulong

Lalaking 30 taon nang paralisado ngunit nagtatrabaho pa rin, dinagsa ng tulong

- Umantig sa puso ng marami ang kwento ni Jerome na naitampok sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho'

- 30 taon nang paralisado si Jerome subalit sinikap nitong hindi maging pabigat sa kanyang pamilya

- Kahit kakalahati na lamang ng katawan niya ang may pakiramdam at naigagalaw, nagagawa pa rin niyang mag-copra

- Dinagsa naman siya ng tulong matapos na marami ang nakaalam sa kanyang kalagayan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tunay na kahanga-hanga ang katapangang ipinamamalas ng 47-anyos na si Jerome Nacaitona na mula sa Camiguin, Island.

Nalaman ng KAMI na tatlong dekada na siyang paralisado buhat nang siya ay maaksidente bago sumapit ang kanyang ika-18 taong kaarawan.

Lalaking 30 taon nang paralisado ngunit nagtatrabaho pa rin, dinagsa ng tulong
Jerome Nacaitona (Kapuso Mo, Jessica Soho)
Source: Facebook

Naitampok sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ang kwento ng kanyang buhay kung saan kahit na kalahati na lamang ng katawan ang kanyang naigagalaw at nararamdaman, nagagawa pa rin niyang magtrabaho sa pamamagitan ng pagco-copra.

Read also

Madam Inutz, excited na inanunsyo ang lalabas na music video ng bago niyang kanta na 'Marites'

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayaw maging pabigat ni Jerome kaninoman. Kaya naman pinili niyang mamuhay na mag-isa sa kabila ng kondisyon. Kalaunan, nakasama naman niya ang pamilya ng kanyang pamangkin na siyang tumutulong din sa kanya.

Ani Jerome, madalas siyang managinip noon na tila isa umanong premonisyon ng mangyayari sa kanyang pagka-paralisa

"Palagi akong nanaginip na nalulubog dito sa putik ’yong katawan ko, halos siguro isang buwan. Pabalik-balik."

At buhat nang siya ay maaksidente at maparalisa, hindi na siya natingnan muli ng doktor.

Dahil dito, nagmalasakit na rin ang KMJS na ipatingin sa espesyalista si Jerom upang masuri muli ang kanyang kalagayan.

Marami rin ang nag-abot sa kanya ng iba't ibang uri ng tulong kaya naman hindi niya napigilang maluha.

Aniya, makakakain na raw siya ng tatlong beses isang araw 'di tulad ng dati na isang beses lamang.

Read also

70-anyos na basurerong nanakawan, nagawa pa ring mag-abot ng Php5 bilang tulong

Maging ang mga netizens ay nagsasabing nais din nilang magpaabot ng tulong kay Jerome na nagbigay inspirasyon sa kanila.

Isa ang programa ng batikang broadcast journalist sa Pilipinas na si Jessica Soho sa mga pinakaaabangan ng mga Pinoy tuwing sasapit ang araw ng linggo.

Bukod sa mga nakamamanghang mga kwento na kanyang naibabahagi, kapupulutan din ng aral ang mga ito kaya naman buong pamilya ang maaring manood ng kanyang programa.

Isa rin sa mga naitampok sa naturang programa ang buwis-buhay na pangunguha ng kawayan ng isang bulag na ginagawa niyang alkansya para mailako.

Tinutukan din ng marami ang kwento ng magsasakang nakatira sa bundok at nag-aararo ng walang kalabaw.

Isang vlogger ang nagpanggap na pulubi at humingi ng maiinom na tubig sa magsasaka ngunit higit pa sa tubig ang naibigay nito dahil sinamahan pa niya ito ng kanin at tuyo.

Dahil dito, naisipan naman ng vlogger na bukod sa tulong pinansyal, binigyan din niya ito ng kalabaw.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica