Viral 'Kangkong chips' owner, idinetalye ang lungkot at tagumpay ng kanyang negosyo
- Nakapanayam ni Ogie Diaz ang 17-anyos na Kangkong chips owner na nag-viral kamakailan
- Marami ang humanga sa kanya gayung kumikita na siya ng nasa Php150,000 kada buwan
- Subalit ang tagumpay na ito ay may naging kaaakibat na lungkot sa pagpanaw ng kanyang lolo na itinuring na rin niyang ama
- Gayunpaman, nagsilbing inspirasyon niya ito at ng kanyang pamilya na lalo pang pagbutihin ang kanilang negosyo
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Naikwento ng 17-anyos na si Josh Mojica, ang owner ng 'Kangkong chips original' ang naramdaman niyang hirap sa pagkawala ng kanyang lolo sa simula ng pag-angat ng kanyang negosyo.
Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, hindi pa napigilang maluha ni Josh habang inihlalahad ang nangyari sa kanyang lolo na itinuring na niyang tunay na ama.
Aminado si Josh na mahirap para sa kanya na mawala ang lolo na nagsilbing ama niya at nagbigay sa kanya ng mga payo pagdating sa buhay lalo na sa kanyang negosyo.
Hindi niya nakalimutan ang nasabi sa kanya ng kanyang 'daddy' (lolo) nang minsang napanghinaan sa negosyo at muntik na niyang itigil ang paggawa ng Kangkong chips.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"Sabi po niya sakin, alam mo ba Jhelo na hindi madali ang buhay, akala mo ba. Kaya 'wag mong babaan ang pangarap."
Nang masabi ito sa kanya ng kanyang lolo ay may karamdaman na ito. Hindi nagtagal, isinugod daw ito sa ospital dala ng ilan pang mga nararamdaman nito.
"Masakit po kasi yung unang araw na nag-deliver ako ng first product ko, huling araw na pala ng pagkikita namin ni daddy," panghihinayang ni Josh.
Hindi nagtagal, namayapa na ang kanyang lolo na nagsilbing inspirasyon naman ng kanilang pamilya upang pagbutihin pa nila ang kanilang negosyo.
"Siya po talaga ang inspirasyon ng lahat ng ito. Kung bakit ko ito ginagawa, kung bakit ko ginagalingan. Kung bakit tinotodo ko lahat ng ginagawa ko kasi sabi niya 'wag babaan eh. Sabi niya taasan mo, tuloy mo lang sa paglipad."
Patuloy naman talagang ginagalingan ni Josh sa kanyang patok ngayong negosyo. Katunayan, pumapalo na sa Php150,000 ang kita niya kada buwan dahil sa kanyang 'Kangkong chips original.'
Mapapanood ang kabuuan ng panayam kay Josh sa Ogie Diaz Youtube channel:
Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter.
Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad.
Bukod kay Josh Mojica, isa sa mga naitampok ni Ogie ay si Pokwang at ang kabutihan ng puso nito kung saan nagawa pang kaawaan ang taong nanloko umano sa kanya.
Source: KAMI.com.gh