Videos at pictures ng pagkawang-gawa ni "Mang Boy," viral sa social media

Videos at pictures ng pagkawang-gawa ni "Mang Boy," viral sa social media

- Sa pag-viral ng video ng isang retired police na nakilala bilang si Mang Boy, marami ang naglabasang meme at parody sa social media

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Kasunod nito ay nakarating na rin ito sa programang Raffy Tulfo in Action kung saan inireklamo siya ng nakaalitang kapitbahay

- Isang netizen naman ang nagbahagi ng mga videos at pictures na aniya'y nagpapakita ng mga kawang-gawa ni Mang Boy para sa kanyang mga kapitbahay

- Kinondena nito ang mga pang-aalipusta ng netizens sa pamamagitan ng mga memes at humiling din ito na irespeto si Mang Boy

Sa isang Facebook post ay isang Facebook user na nagngangalang Ferl Geronimo ang nagbahagi ng mga videos at pictures na aniya'y nagpapakita ng malasakit at kawang-gwa ni Mang Boy sa kanyang mga kapitbahay.

Read also

Makulit na 'summary ng 2021' love story ng mister at manager ng Jollibee, nagpakilig sa netizens

Videos at pictures ng pagkawang-gawa ni "Mang Boy," viral sa social media
Videos at pictures ng pagkawang-gawa ni "Mang Boy," viral sa social media (Photo from Ferl Geronimo)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Mang Boy ang retired police officer na nakuhanan kamakailan ng video ng kanyang kapitbahay. Agad na nag-viral ang video na ito at pinagmulan ng mga memes na kumalat sa social media.

Kinondena nito ang mga pang-aalipusta ng netizens sa pamamagitan ng mga memes at humiling din ito na irespeto si Mang Boy.

Bakit Hindi Ito ang Naging Viral ? Di na Nakuhanan ng mga video, picture yung iba mo pang Ginagawang pag kakawang gawa noon Mang Boy. Grabe Pag mamahal Mo sa Mga Kapit Bahay mo Alam na alam nila yan Imbes na Mag celebrate ka tuwing Birthday mo kumukuha ka ng barbero para may pa libreng gupit sa ka lugar mo may pa tsinelas ka pa. Dahil ayaw na ayaw niyo ng may mga naka paa. Itong nag daang Pandemic imbes na isave niyo yung pera niyo ginagawa niyong mag asawa namimili para lamang may ma.ipamahagi sa mga kapit bahay. Yan Pala yung Pinag tatawanan, ginawan ng Memes may mga Parody Pa.

Read also

Team Kramer, namigay ng paracetamol syrup sa mga nangangailangan nito

Sa pagpasok ng pandemya, lalong naging aktibo ang mga Pinoy sa social media. Bukod sa mga lockdown at quarantine restrictions, lalong naging aktibo sa internet at social media ang mga tao. Kaya naman, mas mabilis na rin ang paglaganap ng mga balita. Kadalasan ay nagiging viral ang mga balitang pumupukaw sa interes ng karamihan.

Matatandaang ilan sa mga pinakatinutukang kaso ng pagpaslang ay ang pagbaril ng pulis na si Jonel Nuezca sa mag-ina. Kinalaunan ay nahatulan ito at nakulong hanggang sa kamakailan ay lumabas ang balitang pumanaw na ito.

Pumukaw din sa interes ng publiko ang sinapit ng isang Grab driver na si Jang Lucero. Naging mailap ang pagkuha ng hustisya para kay Lucero matapos ang mahigit isang taon.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate