Mag-asawang Maguad, umalma sa pagtutol noong 2019 ni Anne Curtis na babaan ang criminal age
- Hindi napigilang maglabas ng kanilang sama ng loob ang mag-asawang Maguad na nawalan ng dalawang anak bago sumapit ang Pasko ngayong taon
- Ang salarin sa krimen na tumapos sa buhay ng kanilang mga anak ay isang menor de edad na kanilang tinuring na kapamilya
- Bilang isa sa mga personalidad na tumututol sa criminal age, nabanggit ng mag-asawa si Anne Curtis kaugnay sa pahayag nito noong 2019
- Si Anne na isang UNICEF Goodwill Ambassador ay naghayag ng kanyang pagtutol sa babaan sa 9 na taong gulang ang criminal age of accountability
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Naglabas ng kanilang sama ng loob ang nagluluksang mga magulang ng magkapatid na Maguad kaugnay sa pahayag ni Anne Curtis tungkol sa kanyang paniniwala tungkol sa pagbaba ng criminal age of accountability.
2019 pa ito ipinahayag ni Anne at walang kinalaman ang kanyang komento sa kasalukuyang mga pangyayari sa Maguad family.
Sa kanilang social media account, inihayag ng mag-asawa ang kanilang saloobin sa gitna ng kanilang pighati at pagnanais na mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng dalawang mga anak.
Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Lovella Orbe Maguad, ina ng magkapatid na maiintidihan lamang ng aktres ang kanilang pighati kung mismong sa kanya nangyari ang kanilang dinanas.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
You don't live in a real world Ms. Anne. What you know is Children are as adorable and innocent as your daughter same as ours. You know nothing of the many instances/incidents how other children could be of the worst . You are rich and exposed to a movie like character. Life isn't a movie ..there's no take two or three when you're not able to do it right. You'll understand what I am trying to figure out when you're adorable n innocent daughter will be one of the victims of these instinctive criminals whom you called as children in conflict with the law. I'll deal with you when I'll be winning myself/sanity again.
Look at my promising daughter n son...They're not children of a popular or rich actress/people like you or influential politician but children of common members of the society who are trying to contribute something better n making a difference in the society , taxpayers who have been genuinely touching more lives more than you.
Matatandaang, nauna nang nanawagan si Mr. Maguad na tulungan silang mahanap ang ama ni Kristine dahil sa paniniwala nila ay may kinalaman ito sa nangyaring krimen noong December 10, 2021. Parehas na pinaslang ang magkapatid sa loob mismo ng kanilang bahay.
Sa pagkakaroon ng social media, mas malawak na ang naabot ng mga balita. Kaya naman, sa mga balitang nakakaantig, mas maraming mga tao ang tumututok. Matatandaang ilan sa mga pinakatinutukang kaso ng pagpaslang ay ang pagbaril ng pulis na si Jonel Nuezca sa mag-ina. Kinalaunan ay nahatulan ito at nakulong hanggang sa kamakailan ay lumabas ang balitang pumanaw na ito.
Pumukaw din sa interes ng publiko ang sinapit ng isang Grab driver na si Jang Lucero. Naging mailap ang pagkuha ng hustisya para kay Lucero matapos ang mahigit isang taon.
Source: KAMI.com.gh